~Shin.
Alas syete na ng gabi at wala pading sky. Badtrip! Maghapon syang wala at sobra na akong nagaaalala! Sinabi ko na din sa mga Kakambal nya na Nawawala pa kanina pa si sky, sabi nila magtatanong tanong sila sa mga crew kung may nakakita ba.
Nakaupo ako dito sa mga buhangin, Umiiyak .. Letcheng sky kse yon eh! pinagaalala ako!!!
Tinabihan ako ni Kuya Caden.
"May nakakita daw kay Sky sa Isang Coffee shop kanina." hinawakan nya ako sa likod at Hinimas himas yon.
"Babalik din yon" at tinap din ako sa ulo ni kuya Codey.
"Teka, Si Sky yon ah!" Biglang sigaw ni Sunshine at lumingon kami sa lugar na tinuro nya.
Pababa si sky sa isang bangka at may kasamang Babae?!
Nagkatakbuhan kaming lahat papunta sa kanya.
"San ka ba galing?" sita ni ivy at tinignan ng masama si Sky.
Teka! Si Yumi?! Bakit nandito si Yumi? Bakit nya kasama si Yumi!!!!?
"Tinuor nya ako dito sa buong resort maghapon, tapos sumakay kami sa ni rent kong yate kaso nasiraan kaya ginabi kami." pagpapaliwanag ng malanding si yumi nakita nya ang Pagirap ko sa kanya.
"Btw, Gotta go! Bye Sky! Thanks sa Maghapon!" kumikindat na sabi nya. Nagpaalam din sya sa lahat.
"Oy! Ok ka lang?" binatukan ni sunshine si Sky at ngumiti lang ng nakakaloko ang sagot nya.
Pinagkakaltukan nilang lahat si Sky.
"Hoy! Senglot!" nagtatawanan lang sila.
"Shin, samahan mo si ate sky bangag eh!" Sabay kaming bumalik sa Rest House.
Badtriiiiip! bakit feeling ko binetray ako?! Nakakainis!
Anong ginawa nila habang magkasama sila?! Fuck!
Pagkapasok namin sa kwarto agad kong kinompronta si Sky.
"Bakit hindi ka nagpaalam sakin" mahinahong tanung ko.
"Tulog ka pa eh!" humiga sya sa kama.
"Bakit mo kasama si Yumi?! Diba sabi ko Lumayo ka sa kanya?" Kalma padin na sabi ko.
"Hindi ako makatanggi, Pinilit nya ako."
"Hindi ka makatanggi kase Gusto mo sya!" bigla ko syang Sinigawan.
Hindi sya sumagot, Nakita ko ang Pagpikit nya.
"Ano? Totoo diba? Gusto mo sya! Kaya ka sumama kase interesado ka sa kanya?! diba! eh tangina naman sky! akala ko ba Walang iwanan? Natulog lang ako pagkagising ko May iba ka ng Kasama! Hindi ka rin malandi eh!" bulyaw ko, Bumangon sya sa Pagkakahiga nya.
