SINGKWENTA y KWATRO (Goodbye)

6.4K 185 46
                                    

sky

Nandito kami ni shin sa isang mall . Sa wakas at nagkaron din kmi ng "time" para sa isa't isa.

"Shin!" Nilahad ko yung kamay ko sa kanya inantay ko na hawakan nya ang mga kamay ko pero sa halip ay tinignan nya lang ito.

"Kamay!" Naiirita kong sabi sa kanya. Tinignan nya lang ako.

"Eh! Madaming tao oh! Baka may makakilala sa atin! Saka pagtitinginan tayo" sagot nya, nilagay ko sa bulsa ang kamay ko. Kelan pa nya ako kinahiya? At kelan pa sya nahiya?!

"Ikaw bahala" malungkot Kong sabi, nakakapanibago si shin.... Ang lapit nya pero bakit ramdam ko ang layo nya padin.. Pero hindi ko hahayaan to. Nalilito lang siguro sya sa mga nangyayari. Maayos pa namin to, at babalik din kami sa dati tiwala lang.

Napagpasyahan nalang namin na manuod nalang ng sine. The best of me

Mukhang maganda pero hindi ko trip panuorin. Si shin lang naman yung may gusto.

"Shin.. Mahal mo pa ba ako?" Sabi ko pagkaupo namin. Tinignan nya ako ng w-t-f look at saka sya sumubo ng popcorn.

"Ano bang klaseng tanong yan?" Sabi nya saka nagiwas ng tingin. Hay nakakamiss yung dating sya.

"Kase, your so near yet so far" seryoso kong sabi. Pero tinawanan nya lang ako.

"Sky talaga oh, Manuod ka na nga lang!" Kinurot nya ako sa pisngi at saka bumaling sa pinapanuod. Pati yung BI namin nawala na! Tangina medyo masakit ha!

"Pero shin... Nasan na yung bi? Hindi mo na ako tinatawag na ganun" nagpapaawa kong sabi.

"Sorry naman! Manuod ka na nga lang kase! Kj mo" at bumaling na naman sya sa pinapanuod nya.

Tsh! Pag ako naghanap ng iba shin!!!!! Sinasabi ko sayo!

"Maghahanap nalang ako ng ibang bi" bulong ko pero sinadya kong iparinig sa kanya.

Tumingin lang sya sa akin at nagsmirk.

"Ate, pwede ba kitang tawaging bi?" Sabi ko don sa babaeng nasa likod namin. Tinignan lang ako ng masama ni ate.

"SKY!" biglang saway sa akin ni shin, tamo magagalit ka!

"Pasensya na po ate, hindi ko po kasi napainom ng gamot to"sabi nya at bumaling ulit sa akin.

"Ano bang ginagawa mo sky?" Bulong nya.

"Wala na ata akong bi kaya naghahanap ako. Pasensya na ha! Namiss ko lang kasing tinatawag na bi" sumbat ko sa kanya.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon