BENTE UNO (Date Ulit)

10K 268 13
                                    

~Shin.

Nakakainis tong babaeng 'to!

Kanina ang sweet sweet tapos ngayon ang tahimik na!

"Hoy. Cameron! Ang tahimik mo! kainis ka" pagmamaktol ko

Ngiti lang ang sinagot nya.

Badtrip talaga.

Huminto ako sa Paglalakad namin.

huminto din sya.

"Bakit?" tanong nya pa.

"Ikaw eh."

"tara naaaaa!" hinatak nya ako.

"Bi " malungkot na pagkakasabi ko.

Nakita kong ngumiti sya. Yung Totoong Ngiti :)

"Alam mo bang sumasaya ako pag tinatawag mo ko nyan?"

"Wag ka nang malungkot ha?"

Kinurot nya yung pisngi ko.

"Oo para sayo... bi"

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ok lang sakin kahit sa Victoria Court o sa Sogo- teka ano ba 'tong sinasabi ko?!

"San ba tayo pupunta?!" tanung ko.

"Sumunod ka lang sakin!"

Sumakay kami ng Jeep. Sabi ni sky sya na daw ang bahala magbayad.

Pero nakababa na kami't lahat hindi ko sya nakitang dumukot sa bulsa nya.

"Nagbayad ka ba?" tanung ko.

Binulungan nya ako.

"123" sabay hagikgik nya.

Kinuwento sakin ni Ivy na yung 123 eh yung hindi ka magbabayad sa Jeep. Ganito pala yung feeling!!!

Ang Saya! XD

Pumunta kami sa isang Department Store.

Kumuha si Sky ng Push Cart.

Lahat ng madaanan namin ay Dumadampot sya.

"bat ang dami?!" tanung ko.

"Kumuha ka lang ng gusto mo" sabi nya sabay kindat.

Ginaya ko sya Kinuha ko lahat ng items na nakikita ko.

May Nadaanan kaming Free Taste.

"mga miss, itry nyo po itong Hotdog ko masarap to" sabi nung lalaki na promodizer.

"Malaki po ba yan?" nakatingin sa baba ni kuya na sabi ni sky kinurot ko naman sya.

Kumuha kami ng tagisa.

"Hmm. Masarap nga kuya.. pero parang wait teka." tumuhog ulit kaming dalawa.

"Juicy sya kaso teka..." kumuha ulit kami. kumuha kami ng kumuha hanggang maubos ung pinapa free taste ni kuya.

"Eh mam, nakakahiya naman sa inyo pero inubos nyo na!" gigil na sabi ni kuya.

"Well.. kaya nga free taste eh! free kaming kumuha! Pwe!" sabi ni sky sabay alis.

Natatawa ako sa babaeng 'to!

Napakabastos! XD

"Sa wakas eto na din yung hinahanap ko!" binitawan ni sky yung Cart na tinutulak nya at dumampot ng isang balot ng Napkin.

"Tara na bi. bayaran na natin to"

"Teka, panu yon?" tinuro ko yung cart na madaming laman na grocery na kinuha namin.

"Hayaan mo na yan!" iiling iling na sinundan ko sya papunta sa Counter.

"Napkin lang pala bibilhin mo ang dami pa nating kinuha!" angal ko.

"Masaya naman eh! Teka, gutom ka na ba?!" tumango ako.

Buti naman at Dinala nya ako sa Mcdo. akala ko sa Turo turo nya lang ako pakakainin!

Inantay ko nalang sya sa table.

Pagdating nya nagulat ako sa bitbit nya.

DALAWANG COKE FLOAT?!

Nakangiti na lumapit sya sa akin.

"Tara na." hinatak nya ako palabas.

Nakakapanlumo naman!

"Bakit ito lang ang binili mo?! alam mo bang gutom na gutom na ako?!" nanggigigil na sabi ko.

"Easy ka lang. Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagkainl don?! tara dadalihin kita kung san ka mabubusog!" Hinatak nya ako sa isang Karinderya.

"Aling Meding!" siga na sigaw ni sky.

Bandang huli sa turo turo nga ang Bagsak namin badtrip!

Umorder sya ng mga Pagkain na hindi ko malaman kung ano.

"Bakit nakasimangot ka?" tanong nya habang inaantay yung order namin.

"Kase akala ko, sa masarap tayo kakain eh."

"Masarap dito! Sossy ka kase kaya hindi mo alam yung mga ganito, pero alam mo mas enjoy kung mararanasan mo din minsan yung mga pagkain na hindi mo nakasanayang kainin."

"Eto na ang order mo iha," sabi ng medyo may idad na, na babae binaba nya yung mga pagkain.

"Aling meding, kapatid ko po si Shin" kinindatan ako ni sky at ngumiti sya. Ngumiti din ako at bumati.

"Ah.. magkapatid nga kayo parehas kayong maganda eh! hala sige't kumain na kayo" yun lang at umalis na yung matanda.

"Kapatid ha! psh!" umirap ako.

"Si Bi nman oh! tara na kumain na tayo!"

Sinabi nya sakin ang mga nakahain. Tapsilog daw yung beef itlog at saka fried rice Chicksilog naman yung chicken. Umorder din sya ng Siomai at Sago't Gulaman.

Oo ang Simple pero masarap.

Lalo na kasama mo yung taong gusto mo xx

Pauwi na kami. Grabe! nabusog ako dun sa kanina!!!

"Hmm shin nagustuhan mo ba yung date naten?" nahihiyang tanong nya.

"Oo naman! ngayon ko lang naranasan yung mga pinag-gagawa natin" oo sobrang saya talaga

"Ako din masaya kase... kasama kita" kumakamot sa ulo na sabi nya CUTIEEEEEEE!

Pinisil ko yung ilong nya.

"Dito ka lang sa tabi ko ha?"

Inakbayan nya ako at hulik sa Pisngi ko. "Oo nman yes!"

Para naman akong namula sa ginawa nya. "Tara na?" yaya ko.

Pagtingin ko wala na sya sa tabi ko nasa tapat sya ng isang gate at nagdodoorbell.

"Takboooooooo!" hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming kumaripas ng takbo ;)

Hi :) sira pdin wifi nmin :/ nakisagap lang ako sa mcdo xD

Sorry sa mga hindi narereplyan babawi talaga ako. Salamat sa mga nagbabasa at nagvovote :*

Enjoy reading Ü

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon