~Sky.
Nauwi ng de oras sila mommy ng sabihin ko na nakabuntis si Codey, Ayos na din yon kaya nga nandito kami sa kotse buong pamilya! magsosorry sila sa ginawang pagtatanggi kay sunshine ni Codey, Mabuti nga at Hindi nagalit sila mommy na maagang nakabuntis ang kakambal ko eh kami kaya ni Shin? Hindi rin ba sila magagalit kung sakaling malaman nila ang tungkol sa amin?
Pagkatapos ng nangyari nung gabing yon, pinaliwanag ko Kay Codey ang lahat pati na din yung Kay cloud. Sinubukan namang magsorry ni Codey pero sobrang iwas naman si sunshine ..
eto nalang talaga yung paraan para magkaayos na sila.
"Bro, Alam mo ang daming humahawak sa tyan ni sunshine at natutuwa" pangiinggit ni caden
"Oo nga! tsk buti pa sila" pangaasar ni shin
"Bakit ganon yung mga tao? pag nabubuntis yung babae hinahawakan yung tyan tapos kinu-congratulate eh pano naman yung tatay? hindi ba nila hahawakan tong junjun ko at sasabihing ang galing mo nakabuo ka" walang kwentang sabi ni codey natawa naman ang lahat maging si mommy at daddy.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa lugar ko dati, dumiretcho kami sa bahay nila sunshine at naabutan namin sa may pinto nila ang tatay nya na nagyoyosi
"Good morning po" magalang na bati ni mommy
tila naman nakakita ng multo ang tatay ni sunshine at biglang yumuko.
"Parang awa nyo na, wag nyo po kaming papaalisin dito wala po kaming titirhan" pagmamakaawa nya
"Oh mang bonjing Bakit ho?" tanung ko
"Sky, sabihin mo sa mga kasama mo na wag idemolish tong lugar naten! Parang away mo na!" mangiyak ngiyak na sabi ng tatay ni sunshine.
"Hindi po kami ang magdedemolish dito daddyow nandyan po ba si sunshine?" Codey.
Nagangat ng tingin si mang bonjing at nasuring tinignan si Codey.
"Pumasok kayong lahat"malamig na sabi nya at pumasok na sa loob
"Paktay ka diha!" bulong nming tatlo Kay codey
------------------------------
"Basta Sunshine, Ipagpapatuloy nyo ang pagaaral nyo OK lang samin na magsama na kayo" sabi ni daddy habang nagmamaneho.
