~ Blight.
Nagising ako ng may marinig akong nagsisigawan, tinignan ko yung katabi ko pero wala akong caden na nakita Nasaan sya?
Agad akong kinabahan sa narinig ko naglabasan kami nila shin at naabutan namin ang magkakambal na nagsusuntukan grabe! puro dugo na sila walang umaawat dahil natatatakot masaktan.
"ANO BA CODEY! TAMA NA!" sigaw ni sunshine tinulak ni codey palayo sa kanya si Caden napahiga naman sya at agad kong nilapitan.
"Ano? Ginagantihan mo ako? kaya kahit madaling araw na at tulog na ang lahat nagkita kayo?" sigaw ni Codey.
Ano? Nagkita sila ni Sunshine?
"Anong nangyayare?" sigaw ko.
"Sino mas masarap samen ng Kakambal ko? sya ba o ako" nakangisi na sabi ni Codey agad naman syang nilapitan ni sunshine at sinampal.
"Wala kaming ginawa ni caden! Nagkukwentuhan lang kame! wag mong ipasa sakin yung Katarantaduhan mo ulol!" inawat naman ni Shin si Sunshine.
"Nagkukwentuhan? Tapos magkayakap?" Ano? Magkayakap sila ni Caden?! Hindi ko na napigilan at nagtatakbo na ako papunta sa loob ng bahay.
Anong nangyayare? Anong ginawa nila ni Sunshine?
"Baby.. mali yung iniisip mo maniwala ka sakin." sumunod pala sa akin si Caden.
"Iwan mo muna ako please lang" pero niyakap nya padin ako.
"Sabi ko Iwanan mo muna ako!" sigaw ko, umalis naman agad sya at lumabas ng kwarto, nilock ko yung pinto at umiyak ako ng Umiyak..
△△△△△△△△△△△△△△△△
~Sky.
KRIIIIIIIING!
Bumangon ako. Tinignan ko yung Orasan, at Alas Sais na ng Umaga.
Maliligo na ako at papasok na school.
Pagkabihis ko, Sumakay na ako sa bagong bago kong Sports car, Regalo sakin ni Daddy .. Ilang araw lang ng masanay ako magdrive inenroll kase nila ako sa Driving School saka ko nakuha yung Student License ko.
Ilang Linggo na din matapos ang nangyare sa Batanggas.
Si Light at Ivy ayon going strong.
.
Si Sunshine at Codey Nagsimula sa Umpisa, Sinuyo ng sinuyo ni Codey si Sunshine at ayun napapayag naman pero Nangako sila sa isa't isa na Hindi na magloloko. Pinatunayan talaga ng kakambal ko na Mahal nya talaga si Sunshine.
Si Blight at caden naman nag kaayos din, Parehas nilang Pinagusapan ang buong pangyayari nagkapatawaran .. Sinabi nila na bakit nila Palalakihin yung mga bagay na pwede pa din namang ayusin?!
Buti pa sila,
Kami ni Shin?
Simula ng Bumalik kami hindi sya nagalit sakin, Pinapansin nya padin ako, ang kaso bigla nyang kinalimutan lahat ng Pinagsamahan namin tinatawag na nga nya akong ate. Alam kong sinasadya nya pero Tangina! Masaket! Minahal namin yung isa't isa pero dahil lang sa isang pagkakamali na yon kinalimutan na nya ang Lahat?!