~Sky.
Nagpapractice sila si Shin ng Volleyball sa Gym kaya nauna na akong umuwi. Ako lang magisa.
Balak ko sanang Pumunta kela tatay ngayon .. tutal hindi naman ako busy.
Pero parang tinatamad ako.
Nawawala kasi yung tatlo eh.
Habang Umiinom ng Binili kong Sago napansin ko na parang may Sumusunod sa akin. Tinalasan ko ang Pandama ko .. tsk tsk.
May Gustong Mabalian ng Buto ah.
Makalipas ang ilang minuto kong paglalakad, wala na akong napansin na Sumusunod. Umupo muna ako sa isang Bench na nasa Park. Sinusumpit ko yung mga dumadaan.
"Kahit kailan sira ulo ka padin."
Lumingon ako sa katabi ko. Lalaking naka rayban cap at naka-polo shirt. Ganda ng Pormahan ni Koya. Umiinom din sya ng Sago.
"Do i Know you?" Taas kilay na tanung ko.
Tumingin lang sya sakin at Sinumpit ako sa Mukha. Tinamaan ako sa mata.
"Aray! Gago ka ah!" Kinuwelyuhan ko sya.
"HAHAHA. Apang ah!" at nangaasar pa! akmang sasapakin ko na sya pero nagulat ako sa sinabi nya.
"Amasona ka parin Pakner!" Binitawan ko ang Pagkakakwelyo sa kanya at tinulak sya paupo.
Hinubad nya ang Salamin nya at Hinawi ang kulay abo nyang bangs.
"Ikaw?" Nakangangang tanong ko.
"Oo ako nga" Kumindat pa sya.
"Lee min ho?" Binatukan nya ako. Wow ha? Close tayo?
"Tsh. Nagkapalit na ba kayo ng Utak ni Light? Haleeer!!! Cloudio Irwin ang Pakner mo!" late reaction ko syang niyakap.
"Paaaakneeeerrrrrrrr!!!!" niyakap ko sya at hinawakan ko ang mukha nya.
"Ikaw na ba yan?" Manghang tanung ko. Ang Laki ng Pinogi nya.
"Wala ng iba. Aba't pa-english english ka nalang ah! At saka hindi kna dugyot! Chicks ka na!" kinurot nya ako sa pisngi. Sabi nila Sunshine bading daw 'to pero ako ang makapagpapatunay na hindi. Naalala ko pa nun nung bago sya kunin ng tita nya.
FLASHBACK.
Nasa bubong kami ng bahay nila at Lumalapang ng Tatoos at chippy. Foodtrip ba.
"Sky .. Pwede ba kitang Ligawan?" tanung nya habang nakatingin sa kawalan.
"Liligawan mo ko tapos aalis kadin. Wag nalang!" parang nagtatampo kong sabi.
"Para din 'to sa Kinabukasan natin.. para sa magiging pamilya natin.." natawa ako. Sa idad namin na Labing isang taon alanganin 'tong Sinasabi nya.