BENTE SYETE (Game day)

8.8K 229 12
                                    

~ SHIN

Kinakabahan ako sa laban namin mamaya .. may pustahan kasi kaming apat nila yumi, ellise at ivy na kung sinong matalo magiging slave ng bawat isa.

Kapag natalo kami at naging slave ako ayokong malaman ni sky para wala ng gulo ..

Bi, masama yung pakiramdam ko hindi ata ako makakapasok

nagtext si sky.

Lalo akong nawalan ng gana. Sya na nga lang yung inspirasyon ko, wala pa! psh.

"Ok ka lang ba?" tanong ni ivy.

"Hindi eh, hindi kase papasok si sky hindi sya makakapanuod."

"Isipin mo na lang na ayaw mong maging slave ni Ellise hindi tayo matatalo nyan"  Pilit na ngumiti ako.

Mayamaya pinatawag na kami para magwarm-up maangas ang dating ngayon ng team ni Ellise.

Kinakabahan ako, Sky Nasan ka ba?

Nagumpisa na ang Unang set.

Binibigay ko palagi ang bola kay ivy at napapasok nya to ng malakas nalalamangan namin sila ng mga four points.

Nakuha namin ang first set. Pangalawang set Naboblock na nila ang mga tira na ibinibigay nila ivy pati na din kung sino ang bibigyan ko ng bola basa din nila.

1-1 Sa kanila ang 2nd set.

Pangatlong set, sunod sunod ang mga errors namin pati na din ang miscommunication. 2-1 isang set nalang talo na kami ..

Habang time out. Tinignan ko ang paligid wala. walang sky. pati na din ang mga kaibigan nya.

bago magsimula ang 4rth set gumawa ng play ang team captain namin yun nalang ang paraan para makabawi kami.

Bawian ang mga Points namin, mahaba din ang nagiging mga rally. nagtimeout muna nung nagscore ng 20-20

Habang umiinom ako ng tubig ay may ay may umagaw sa pansin ng lahat.

"Check sound check. check check!" si SKY! May hawak na megaphone agad akong nabuhayan ng makita sya ^^

"Go Junior! Go go go" sabi nya nakatingin sa kanya ang mga tao

Inagaw ni Sunshine yung megaphone.

"Ayoko sanaaa na ikaw ay mawawalaaa mawawasak lamang ang aking mundooo" mula sa pusong kanta nya binatukan naman sya ni blight at inagaw ang megaphone.

"Shin Madrigal! galingan mo! para sa bayan!" nagkapit kapit silang apat ng mga braso.

"Mga baliw!" natatawang sabi ni Ivy.

"Happy?!" pangaasar nya tumango lang ako. pumito na at Maguumpisa na.

Ako ang magseserve.

"Push mo yan te!" sigaw ni sunshine.

Sharp serve! nahirapan sa pagrecieve ang Libero ng seniors

inispike ni Ellise pero nahabol ng libero namin pinasa sakin ang bola at bi-nack set ko kay ivy and Pak! Checkball!

Hanggang sa score ay maging 22-24 set point na kami. Si ivy ang nagserve hindi narecieve ng maayos dahilan upang maging service ace at magkaron ng fifth set. Pagod na ako pero ayokong maging slave kaya, Kaya ko 'to!

Sumulyap ako kay sky and she mouthed I love you.

Feeling ko lumulutang ako XD

Naglabas sila isa-isa ng karatula

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon