~ Sky.
Sabay sabay kaming lima pumasok kasama si Shin. Tatlong araw na simula ng Pagtripan nilang lahat sila light. Halos lumuhod sila samin para humingi ng tawad. Aba'y dapat lang! Naturingan silang mga Elite tapos ganon nalang ang asta nila? tss. Nagtampo din ako ng konti kay shin non hindi Dahil kaibigan nya ang gumawa kela Light non kundi, ayokong umaaligid sa kanya yung race na yon! Oo inaamin ko nagseselos ako.
"Hi" bati ng lahat ng nakakasalubong namin. Kumalat kasi ang video ko na nagwawala muntik ko na ngang daigin si Paolo Bediones sa pagiging Viral.
"Oh, pano ba yan bi? papasok na kami?" Paalam ko kay shin. Agad naman syang nagpout at umiling iling
"Bakit kasi Senior na kayo eh!" Hinalikan ko sya sa noo
"Tatlong oras lang bi .. magkikita naman tayo sa Breaktime diba?"
"Hoy Magkikita pa kayo! Ke lalanding mga baklang to!" Awat samin ni Sunshine.
"Ang sabihin mo inggit ka lang!" Light.
bawal kasi syang lapitan ni Codey dito sa school dahil sa ginawa nila. Magmake-Out daw ba habang Nagpaflag ceremony. Ayan ke lalantod kase!
"Itext mo nalang ako." kumindat ako bago kami dumiretcho papunta sa building kung saan nandon ang room namin.
Nag umpisa na ang klase. Tinatamad talaga akong magaral ngayon! mas gusto ko pang makipag-cuddle kay shin sa kwarto maghapon. Agh!
Naiimagine ko na...
"Madrigal!" Sigaw ni mam. Napatalon ako sa gulat.
"Present po mam present!" Nagtawanan ang mga kaklase ko sinabayan pa ng batok ni Sunshine.
"Ang sabi ko, may assignment ka ba? hindi ka nakikinig!" bulyaw sakin ni mam.
"Sorry mam, meron po kasi ako kaya hindi ako focused." Pagpapalusot ko. tumaas naman ang kilay ni mam at lalong nainis.
"Wala akong pakiaLam kung meron ka!" ay! ang hard naman ni mam!
"Bakit mam? May pakialam din po ba ako kung menopouse na kayo?" nagtawanan lahat ng kaklase ko.
"Lumabas ka." kalmado padin na sabi ni mam.
"Sure kayo mam? Ayie Favorite nyo talaga ako" Pangaasar ko pa.
"LUMAYAS KA DITO!" Sumigaw na sya. huh! sa wakas. Freedom!!!! Lumabas ako ng room. San kaya ako pupunta nito? Agad kong naisip si Shin.
~Shin.
Simula ng maging kami ni sky, parang hindi na ako sanay pag wala sya sa tabi ko. Katulad ngayon, Imbes na yung tinuturo ng teacher yung pumasok sa utak ko, mga ngiti ni sky ang naiisip ko.
"Hoy. Makinig ka tulala" Bulong sakin ni ivy na pasimpleng nagtetext din. Masaya ako para sa kanila ni Light.
