DEYSI SAIS. (SURPRISE)

9K 250 15
                                        

~Shin

Pwede bang magassume?! kase.. uhm. feeling ko si 8888 at si Sky ay iisa. Bakit?!

Ilang beses kong nang nakikita si sky na patagong nagtetext. Sinubukan kong hiramin yung cellphone nya pero ayaw nya ding ibigay. Sky? kung ikaw nga talaga yon, bakit mo pa pinapahirapan yung Sarili mo?!

Pati yung pagka trashy nya, yung mga expression nya kuhang kuha.

Nung isang araw, madaming nakakita sa kanya na naglagay sya ng Krispy Kreme sa Locker ko.

Badtrip naman si Sky! Pwede naman nya akong kalabitin at sabihin nya na Mahal nya din ako eh!!

Hindi kaya nalilito sya samen ni Ivy?! hayyy.

Katext ko ngayon si 8888.

Magkita tayo bukas.

Sabi nya. Drama mo sky! tabi na nga tayo matulog meganon pa? :D

Napagusapan namin kung saan kami magkikita. Dun sa Park dito din sa Subdivision namin.

Kung si Sky man 'to. Sasakyan ko nalang ayoko din syang mapahiya.

"Hello? vhi oo nga oo nga. Ayos na lahat ibyang! ano? hahaha eto naman oh" Pumasok sa kwarto ang hindot na si sky. Kausap nya yata yung ibyang nya azar! at may pabulong bulong pa!

Nang matapos ang tawag malungkot ako na tinignan ni Sky. BAKIT?!

"Hoy cameron! Bakit vhi ang tawag mo kay Ivy?! dba Ako yung bi mo?" ngumiti sya.

"Oo ikaw lang" malungkot na pagkakasabi nya.

Ilang saglit akong napatulala.

Bakit parang may mali?

Nanatiling tahimik. Walang Nagsasalita.

"Sky." hindi sya sumasagot.

Tumayo sya at Niyakap ako...

"Sky.." usal ko. dahil nagulat ako sa ginawa nya.

Naramdaman ko na May tumulong luha sa Balikat ko.

Bakit sya Umiiyak?!

"Wag kna lang lumabas ng bahay bukas." sabi nya

Mas lalo nyang hinigpitan yung yakap sakin.

"Sky.."

Hindi pwde. Bukas magpapakita sakin si 8888! at sya yon

Hindi kaya sinusubukan nya ako?!

(KINABUKASAN.)

Wala na sa tabi ko si Sky.

Ewan ko kung bakit pero part of me na gustong sundin yung sinabi ni Sky. Pero Hinde! walang masama kung susubukan ko.

HIHINTAYIN KITA

Text ni 8888.

Oo Sky Maghintay ka...

Lumipas ang ilang oras at ala singko y medya na. Nagayos na ako.

Pagkalabas ko ng Bahay May karatula agad.

HI SHIN :) Dumiretcho ka at lumiko may makikita kang Nagtitinda ng balot may ibibigay sya sayo.

At talagang may Ganyan ha?!

Uto utong sinunod ko yung Instruction. nakita ko si Kuyang Mangbabalot.

"Ikaw ba si shen?" besaya pala se koya!!

"Opo."

May binigay sya saking tatlong balot.

"Wan pur tri daw ang ebeg sabehen nyan ati. Deba ang kurne? dumiritsu ka lang makeketa mo na ang towed na daan" Tumango nalang ako.

The Fudge! Nosebleed Eh?

Nakarating na ako sa Park pero Patay lahat ng Ilaw.

Nakakatakot tuloy.

Pero humakbang padin ako.

Isa isang Bumukas ang mga ilaw sa Poste. Ang daming bulaklak. Ang daming ilaw .. Wow!

May naririnig ako na Nag gigitara.

Hawakan mo ang kamay ko ..

ng napakahigpit ♪

Pakinggan mo ang Tinig ko.

Oooh, di mo ba pansin na. ♬♪

Biglang umilaw at nakita ko si

Sky..

Totoo ba 'tong Nakikita ko?!

Ikaw at ako oh. oooh

tayo'y pinagtagpo .,

ikaw at ako oooh.

di muling magkakalayo. ♪♬♬

Ang ganda .. ng boses nya.

Hindi ko mapigilang Umiyak.

"Nagustuhan mo ba?!"

Lumingon ako sa Nagsalita.

- IVY?!

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon