SINGKWENTA y UNO (Suspicion)

6.9K 168 20
                                    

~Sky.

Napahinga ako ng malalim habang nagiisip. Matapos ikuwento sa akin ni shin ang nangyari sa kanya nung monthsary namin, hindi na ako mapakali ..

Sigurado akong yung gagong nagtetext sa akin ang gumawa sa kanya non, kaso ang pinipilit kong isipin ay SINO?

alam kong hindi na maganda ang nagyayari dahil sinaktan na nya si shin ..

Huminga ako ng malalim para mawala kahit papano tong gigil na nararamdaman ko..

Sinulyapan ko si shin na natutulog sa tabi ko..

Hindi nya dapat malaman to.. hanggat maaari ako ang aayos at tatapos nito..

kailngan kong ayusin to bago pa gumulo ang lahat.. bago pa mawala sakin si shin...

******

Uwian na,nagpaalam sakin si shin na magpapractice dahil kasali sya sa play ng section nila ..

tamang tama.... ngayon ko na sya haharapin kung sino ang pinaghihinalaan kong gumagawa samin neto. Tama sya nga.

Inantay ko muna umalis ang mga tao sa gym bago ko sya lapitan mula sa malayo ay nakatingin lang ako sa kanya. Hanggang sa matapos sya sa ginagawa nya, sinundan ko sya kung saan man sya pupunta.

Pumasok agad ako sa shower room at nilock ang pinto. Nagulat sya ng makita nya ang repleksyon ko sa salamin.

"sky.." ngumisi sya. Pumikit ako para pigilan tong inis ko.

"Wala na ba kayo ni Shin? Kaya binabalikan mo ako?" Lumapit sya sa akin. Tinignan ko sya sa mata.

"Alam kong ikaw ang gumagawa samin nito yumi.. Binabalaan kita hwag na huwag mong sasaktan si-" hindi ko na tinapos yung sasabihin ko ng sinipa nya yung pinto ng isang cubicle.

"BULLSHIT SKY!" at sya pa ang may ganang magalit?!

"Ano yumi? Galit ka pa? Pinagbantaan mo ako, sinaktan mo si shin ano? Galit ka pa?!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa gigil na nararamdaman ko.

"Huh?Pinagsasabi mo?" At nagtatanga tangahan ka pa?

"Yumi, Ako na nagmamakaawa sayo pabayaan mo na kami ni shin...." Kalmado pdin na sabi ko.

"HA? PINAGBANTAAN? SINAKTAN? PINAGSSABI MO? HA? HINDI MO ALAM KUNG GANO KAHIRAP TANGGAPIN NA SI SHIN YUNG GIRLFRIEND MO! OO NASASAKTAN AKO, PERO SKY KAHIT MASAKIT HINDI KO MAGAGAWA YANG SINASABI MO!" Tila nanuyo ang mga lalamunan ko sa mga narinig ko.. Hindi.. hindi ko alam ang gagawin ko..

"Tama na sky.. Masyado mo na akong nasaktan.. At ngayon mas lalo mo pa akong sinaktan sa pang-bibintang na ginagawa mo" pinunasan nya ang mga luha nya at lumabas ng shower room..

Fuck. Kung hindi si yumi? Sino?

Na-guilty tuloy ako sa sinabi ni yumi.. Bakit ko ba sya pinagbibintangan sa mga bagay na hindi naman nya talaga ginawa? Haay..

SHIN CALLING....

Sinagot ko yung tawag.

"sky? Nakauwi ka na ba? Magiingat ka ha? Wag ka na kung san san magpupupunta. Itext mo ko o kaya tawagan pag nasa bahay ka na" bakit ang praning nya?

"opo mamay. Teka, bakit gahol na gahol ka? May nangyare ba?"

"ah... Wala.. Wala.. Ah. Sge bi, practice na ulit kami"

"Teka shin! yung sinasabi mo na humatak sayo.. Babae ba sya? Bakla.. Tomboy.. Ano?"

"Lalaki. Sure ako ang baho ng hininga eh." Natawa ako. Nahawa na nga sakin 'to.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon