BENTE (First.)

10.3K 272 5
                                    

~Shin

Bwisit na ivy na yon! tinaguan ako!

Nasa kanya pa naman yung phone ko!

Kung saan saan ko sya hinanap

Pero wala.

Baka nasa Rooftop nanaman yon!

Umakyat ako.

o.O

Sky? ivy?

Napatulala ako sa nakikita ko.

Bakit sila magkayakap?!

Kusang tumulo ang mga luha ko.

Hindi ko kaya ang nakikita ko!!!

Bumaba ako.

Tumakbo ako papalabas ng gate, hindi ko pinansin yung Guard na sumisita sakin.

Natagpuan ko lang yung sarili ko dito sa mini bar ..

Umiinom.

Bakit kase kailangan ko pang makita yung mga ganon?!

Bakit kailangan pang Ipamukha sakin ni Sky na si Ivy yung gusto nya?!

Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan yon eh!

madaming nagkakandarapa sa akin tapos magkakagusto lang ako sa babaeng Balasubas?!

Uminom lang ako ng Uminom.

"Oh, bakit naglalaseng ka nanaman?" si Kuya Caden pala..

"Oh? bat umuwi kna?" tanung ko.

"Naghalf day kase si sky, pinagkalat sa buong section namin nila blight na half day din daw kaya ayun uwian na"

Aba't magaling talaga yung Cameron na yan! dahil lang kay Ivy nakuha pang mag Half day!!!

"Nung isang araw si ate ang laseng tapos ngayon ikaw naman tsk tsk!" umiiling na sabi nya. Goodboy kase to eh. kabaliktaran ni kuya codey.

"Hayaan mo na ko kuya."

Ginulo nya yung buhok ko.

"Mga babae talaga oo. Sige maiwan na kita, may practice pa kami wag kang maglalaseng!" yun lang at nagwave sya sa akin.

Sky Sky Sky.

Naiimagine ko yung mukha nya pag ngumingiti kaazar!

Inamin ko na sa kanya eh.

Sumasagot pa sya, akala ko naman alam nya! pag tingin ko humihilik na Badtrip!

Kung malaman nya kaya na Gusto ko din sya gugustuhin nya din kaya ako?!

Negative. Si ivy pala yung gusto nya ano ba yan nakakabobo -.-

Nung medyo tinatamaan na ako Pumunta na ako sa kwarto para maligo.

Nadatnan ko si Sky na nagbibihis.

"hi shin" dinedma ko lang sya at pumunta ako sa banyo.

Nahihilo ako :/

Naghilamos ako ng naghilamos.

Ilang oras akong nakayukyok sa Sink.

"Ayos ka lang ba shin?!" sigaw ni sky mula sa labas

Naghilamos ulit ako at lumabas nagbihis ako at nahiga.

"Anong nangyayare sayo?" tanung nya.

Hindi ko pinansin.

Humiga lang ako.

Naramdaman ko din na humiga din sya.

Unti unti syang lumalapit sa akin.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon