~Sky.
Nakahiga na kami ni Shin sa kama at as usual, magkatalikod kami.
alam namen sa isa't isa na gising pa kami. Walang may balak pumansin. 4 na araw na kaming ganito.
"Sya pa may ganang magalit! PSH!" Sabay naming sabi at sabay din kaming humarap sa isa't isa.
"Akala ko ok na tayo! tapos malaman laman ko nalang ayaw mo na ko kasama dito sa kwarto ano bang Problema mo?" sabi ko na napaupo. Umupo din sya.
"IKAW ANG PROBLEMA KO!" Sigaw nya at padabog na humiga.
Ako? Anong Ginawa ko?!
Maya maya narinig ko ang mahina nyang paghikbi.
Bigla naman parang May Sumaksak ng Icepick sa Dibdib ko nung makita sya. Hindi na ko nagdalawang isip na yakapin sya sa Likod nya.
"Shhhh. Tahan na." sabi ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko?
parang maynagka-Crumping sa Dibdib ko parang ayoko syang.... Layuan.
"Ikaw eh!" parang batang sabi nya.
"Wala nman akong ginagawa bi"
bigla syang humarap sakin.
"Bi?" tanung nya.
Oo nga no? Bakit ko sya tinawag na BI?
Hinawi ko yung buhok nya halos makakain na nya.
"Oo bi. Short for..." hmm ano nga ba.
"Ano?"
"Bilat." ngumiti ako. Kitang kita ko nman yung pagsalubong ng Kilay nya.
"Bilat?" nanggigigil na sabi nya.
"Uo, bilat ba yung pag naeenes ako sayo dedelaan keta sabay sabing Bilat!" sabi ko habang ginagaya yung pagsasalita ni Ate Chona.
"AHAAHAHAHAHAAHA" Parang baliw na tawa nya. hindi ako natawa sa Joke ko pero ang OA ng reaksyon nya.
"Bati na ba tayo?" tanung ko.
"Che!" sabi nya irap. pero nakangiti na sya.
"Daya nman ni bi oh!" sabi ko.
"Dun ka kay ivy. dun ka sa ibyang mo! sabay talikod." NAGSESELOS ba sya? hihi.
"Oyyy! Si bi nagseselos." pangaasar ko.
"Malamang bestfriend ko yon talagang magseselos ako." booom! Basag! oo nga naman bestfriend nya yon tas aagawin ko! ano ba kse yung iniisip ko kanina? Badtrip naman oh.
"Ah. ok." sabi ko nlang. para akong nawalan ng Gana.
_______________________________________
~Shin.
Maaga na namang pumasok si Sky dahil may Aasikasuhin pa daw sya.
Hanggang ngayon, kinikilig padin ako sa Eksena namin kagabi!!!!!
Alam kong mali itong nararamdaman ko, pero hndi ko to pipigilan. Titignan ko muna kung hanggang san ako dadalhin ng Nararamdaman kong 'to.
Gaya ng dati, nagumpisa ang klase hanggang sa lunchbreak nga lang ki-nut nila yung Klase dahil magkaka-Program daw.
"Shin! tara sa Auditorium! si Sky!"
yakag sakin ni ivy. Bigla nman akong nataranta at tumakbo na kami papunta sa kung nasan man si sky.