~Sky.
Hindi ko nanaman kasabay pumasok si Shin. Ilang araw nang tapos ang school fair namin. Bumalik na naman sya sa dati. parang may mali talaga. sa bahay lalambingin ko sya para namang pagod na pagod! Putek. kailangan kong imbestigahan ang nangyayari sa Kanya!
Nakatambay kaming apat sa Puno ng mahogany na lagi naming tinatambayan.
"Wala ba tayong gagawin?" bored na sabi ni light.
"Tara matulog nlang tayo sa clinic!" yaya ni sunshine.
"Tinatamad ako" nakangiting sabi ni blight.
Tsk tsk! kakaiba ang ningning ng mga mata nya ngayon!
"Sinagot mo na ba si kuyang Janitor?" tanung ko.
Kinilig naman si Light at Sunshine.
"Baliw!" at ngumiti pa sya ng nakakaloko. iba na to!
"Tara na nga sa clinic!" yaya ni blight para maiba ang usapan.
Agad kong naalala si Shin. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda.
"Sige mauna na kayo." lumihis ako ng daan at agad akong nagpunta sa section nila Shin.
"Excuse me po, pwede po ba kay shin?" tanung ko sa teacher habang nagtuturo sya. paki ko ba?
"Hindi sya pumasok" Ano? Maaga syang umalis kanina para pumasok! hindi, hindi pwede tong ganito. Bigla akong kinabahan.
"Ok po salamat nalang" Nasan ka ba shin?
Tinawagan ko sya. Nagriring lang.
Puta. Ano bang nangyayare?
Pumunta nalang ako sa rooftop. nagyosi, iniisip ko kung bakit at kung anong dahilan ni Shin para maglihim sa akin.
Sa aking pagyoyosi, May natanaw ako sa rooftop din ng building na katabi ng building na ito.
Grupo ng mga babae at nagtatawanan. Kusa nalang akong tinangay ng mga paa ko papunta don.
________________________________
~Shin.
Badtrip na ellise to! napakaplastic! akala ko pa naman ok na kami tapos ganito nalang ako utos utusan.
Ganti daw nya to sa ginawa sa kanya ni sky. Wag na wag daw akong magsusumbong dahil ipapamurder daw nya si sky. ano pang magagawa ko? si sky na yon ayoko syang ilagay sa alanganin nuh!
Nandito sila sa Rooftop, at kanina pa nila ako pinapabalik balik sa baba ng kung anong inuutos nila syete! pagod na pagod na ako mag akyat panaog!
Nang maibigay ko kay Ellise ang pinabili nyang Coke bigla ko syang binulyawan.
"PAGOD NA AKO AYOKO NA!" tumawa sya ng malakas.
"Slave ka, Utusan! anong karapatan mong Umangal?"
Dinuro ko sya.
"Wala kang pake! tama na ayoko na!" bigla nya akong tinulak dahilan upang mapaupo ako.