~ Sky.
Ngayon ko lang napagtanto na boring din pala sa Bahay na to.
ilang araw ang Nagdaan palaging wala si Mommy at Daddy dahil busy sa trabaho, tapos yung kambal laging late na umuuwi galing kung Saan saan. Bali, palagi lang kaming magkasama dito sa bahay ni Shin na maldita. Ewan ko ba don! daig pa matrona kung magtaray, wala nman akong ginagawang masama sa Kanya.
Pumasok ako sa Kwarto at nadatnan ko sya na Bagong ligo. hmmm bango nya amoy Sampaguita! charot. :)
"Shin" bored na tumingin sya skin.
"Oh?"
"Shin?"
"Oh?"
"Shin?"
"Ano bang problema mo ha?" tumaas yung boses nya.
"gusto ko lang sanang malaman kung bakit ganyan ka"
"Ganito talaga ako." malamig na sabi nya.
"bakit ang sunget mo?"
"Paulet ulet? ganto nga talaga ako!" hmf! mukhang badtrip na
"ah. bket ang panget mo?" yun lang at tumakbo ako palabas ng kwarto huh! kala mo ha.
Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin at para magyosi, Oo na ako na yosi girl. Feeling ko kse ang gaang ng buhay pagnagyoyosi ako pero minsan lang nman, wag kayong matoturn.off huhu ~
May Kotse na huminto sa Tapat ng Gate nmen, lumabas don ang isang lalake, infairness ha cute sya tapos cool na cool na sumandal sa harap ng kotse nya.
Mayamaya may lumabas ng gate, sino pba kundi si shinshanghang.
mukhang nagtatalo sila nung lalake, maya maya pinaghahampas nya 'to sa dibdib .. umiiyak na pala si Shin niyakap nung lalaki si shin tapos tapos, teka may popcorn ba kayo dyan? tapos! ayun na nga nilayo nya kung katawan nya kay shin at sumakay lang ng Kotse. the end.
Ano ba yan un lang yon? Hindi ba sya idodawn zulueta nung lalake sabay itcha sa talahiban? tsss!!
padabog na pumasok sa bahay si Shin maya maya pumasok nadin ako, makikichismax ako hihi
Umakyat ako sa kwarto pero wala sya. hala baka uminom na ng Muriatic yon tsk tsk! Hinayaan ko nlang, baka ako yung paghahampasin pag nilapitan ko pa mukhang sawi eh. Naligo nalang ako nahiga na. hay! hndi manlang ako napapagod dito! ang bilis pa ng oras. pumikit ako at matutulog nako.
ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ
Napabalikwas ako nang pabalibag na bumukas ang Pinto.
Si shin, laseng na laseng at akay akay ng Kambal.
"Ate sky, ano ba nangyari dito kay Shin at naglasing sa Minibar?"
codey
"abat malay ko! natutulog na ko dito eh"
"hala sige't bihisan mo na tong pasaway na 'to!" hiniga nila sa kama si shin at lumabas na.
Hays! Iinom inom di nman pala kaya! kung niyaya mo ko edi jamming pa tayo! Shunga.
Bumaba ako at kumuha ng Mainit na tubig at bimpo. Pesteng yan iniimagine ko na kinakapa ko na yung abs ni James Reid tapos Bigla akong ginising para Alilain ng maldita na yon! Hmmmmp!
Nang makaakyat na ako, pinunasan ko na yung mukha nya. pababa sa leeg nya. "Hmmm." umungol ang gaga. hoy pinupunasan ka lang hndi ka nilalanse! huhubadin ko na yung damit nya pero bigla syang Bumangon. "Anong ginagawa mo?" bulong nya sa Tenga ko. ramdam ko yung init ng hininga nya pati na din yung amoy alak. magkatapat kami ngayon at parehas na nakaupo.