- Codey
Uwian na.
Katatapos lang namin magpractice ni Caden at mga kabanda namin.
tutugtog kasi kami sa Intrams eh.As Usual, Habang naglalakad ako sa hallway naglalaway nanaman yung mga babae sakin ha.ha
ako pa ba?!
Kinindatanan ko nga yung isang babae ayun naglulumpasay.
May nakabangga akong babae.
"Ano ba!" sigaw nya sasapakin ko na sana pero nagulat ako..
ang magkapatid pala na si Blight at Light."Nakita mo ba si sunshine?!" tanong ni blight.
"Hm. so far wala pa naman akong nasasalubong na Babaeng mukhang clown kaya wala."
"Haaaaa? Nagclown na si Sunshine?" sigaw ni light.
binatukan naman sya ng ate nya"Korni mo ha! Tara na nga!" at umalis na sila.
Kakaiba talaga sila tsk tsk.
Ang boring naman ngayon!
Tinatamad pa ako makipagdota kay Caden sa bahay. tinawagan ko yung isa kong chiq*Hello babe? sunduin kita tapos dun tayo sa inyo.. oo nga.
Nagulat ako ng may marinig akong umiiyak.
*Teka lang babe tawagan kita ulit.
Binaba ko yung phone.
Hinanap ko kung san nanggaling yung ingay na yon nagulat naman ako sa nakita ko.
Si sunshine, nakadukdok sa mga damuhan puro itim yung mukha nya at iyak ng iyak.
"Huhuhuhuhuhuhu" iyak padin sya.
"Bekimon?" sabi ko. ano kayang nangyare?!
iyak padin sya ng iyak.
Pinatayo ko sya. Bigla nya akong niyakap
"Huhuhuhu" iyak padin nya
"Teka bekimon, yung uniform ko" angal ko baka bumaho ako!
Pero siningahan pa nya yung kwelyo ko.
GODDAMIT!
Inilayo ko sya sa akin.
"Ano bang nangyare?" tanung ko.
"Kase.. kase.. si fafa.. butchoy nakipagbreak sakin huhuhuhu" iyak pa nya yayakap ulit sana sya sakin para singahan ako pero inakmaan ko na sya.
"Tara nga sumama sa sakin!"
Naglakadlakad kami..
Ano ba 'tong babaeng bakla na 'to! ayaw tumigil ng kaiiyak! kumalat na tuloy yung Mascara at eye liner nya, mukha tuloy syang Aswang!
"Iiwan nalang nya ako ng ganun! buti nalang hindi ako pumayag na makipagbahay bahay sa kanya kundi na dali na nya ako!" hindi ko malaman kung matatawa ako o maaawa sa babaeng 'to!
"Masyado ka kseng patay na patay!" pangaasar ko.
"Hindi ah! Sya nga yon eh. binigay ko naman yung gusto nya eh. lahat pero bakit ganito? bakit iniwan nya ko?!" naawa naman ako bigla sa itchura nito.
Naranasan ko ding iwanan at masaktan. haay.
Para gumaan naman ang pakiramdam nya, dinala ko sya sa Ice Cream Parlor na tinatambayan namin.
"Salamat sa Libre codey ha" sabi nya habang punong puno ng ice cream yung bibig.
"Nakakaawa ka kase saka pwede ba magcr ka muna at maghilamos nakakahiya ka kasama!" tumayo sya agad at Pumunta sa Comfort Room.
