~Shin
Pagkatapos ng Sleepover hindi ko alam kung bakit pero alam kong ang laki ng Pinagbago ni Sky.
Oo nga't katulad ng dati ay Nagaasaran Naghaharutan kami..
Pero parang may Kulang! Oo may kulang. wala ng Lambingan :/
Magisa akong Naglalunch dito sa Cafeteria. Palagi ko ng iniiwasan si Ivy Hindi ko kase matanggap na Nagkagustuhan sila ng taong Gusto ko din.
Nakapangalumbaba ako at Tinatamad kumain.
"Hi." May bigla nalang umupo sa Harap ko.
ELLISE?
"Gusto ko lang magsorry sayo shin"
"Wala yon. Tapos na yon, Sana maging masaya kayo ni Rodge."
Palagi nalang akong Naaagawan kainis!
"Ok, eh bakit parang malungkot ka?" sabi pa nya.
Hmm. Isheshare ko ba? tsss.
"Elisse, anung gagawin mo pag may iba ng gusto yung gusto mo?" kinurot nya yung pisngi ko.
"Hm, Gaya ng ginawa ko kay rodge. Alam kong Girlfriend kna nya pero hindi ako sumuko,"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ipaglaban mo" hinawakan nya yung kamay ko.
"Kung hindi madaan sa santong dasalan, idaan mo sa santong paspasan" sabay kindat at umalis na sya.
Argggghhhhhhh. Oo nga. Tama.
Mas may chance na maagaw ko si Sky dahil palagi kaming magkasama.
Operation: Seduce Cameron Sky.
Here i comeeeeee :))))
____________________________
~Sky.
Ganito pala yung feeling na Masaktan? Yung kahit uminom ka ng Isang Drum na Empirador Light, Hindi padin mawawala yung sakit na Nararamdaman mo.
Oo alam ko na sa Sarili ko na Gusto ko si Shin.
Pero kung kailan Tanggap ko na Saka naman may Aagaw ng Eksena?
FLASHBACK.
Sinamahan ako ni Ivy sa pagkuha ng Alak. Medyo tinamaan na nga sya eh.
Habang paakyat kami nagsalita sya.
"Sky, pwede mo ba akong Tulungan?"
"Bakit ano yon?" tanung ko.
"Kaya ako naging bi, dahil..
dahil kay Shin"
Inamin nya din sakin dati na Bisexual din sya. Pero bakit dahil kay Shin?
"Sa araw araw na nakakasama ko sya, Unti unti akong nafa.fall sa kanya. Pero nung naging sila ni rodge, tinigilan ko na. Pinilit ko. kaya kung kani-kanino ako nakipaglandian. Pero ngayon, ngayon na alam kong Solo lang sya eto na yung pagkakataon ko. Sky Pwede mo ba akong Tulungan?" EH?
nakakaspeechless naman!
Bakit yung Babaeng Gusto ko pa?
Hindi ko alam.
"uy sky, lasing ka na ba?" inuga uga nya ako.
"Ahhh.ehhh. Hindi hindi pa. O... o-oo naman! tutulungan kita" pilit ang ngiti na sabi ko.
End of Flashback.
FUCK! naiinis ako sa Sarili koooo!!!
Hindi ko kayang makita si Shin na may ibang kasama. lalo na si ivy...
Iiwasan ko na ba si Shin? Ipapaubaya ko na ba sya sa Bestfriend nya?
Nandito ako sa Labas ng bahay..
Nagyoyosi.
Nakakatatlong stick na ko sunod sunod. Sisindihan ko na tong pangapat pero may humatak sa bibig ko.
"At sino may sabi sayong Pwede kang manigarilyo?" nakapamewang na sabi ni Shin. Oo si shin yung babaeng gusto ko.
Hindi ako sumagot.
Bakit ganito yung Nararamdaman ko? Bakit naiiyak ako pag iniisip ko na Mapupunta lang sya sa Iba?!
"Sky.." yumuko lang ako. ayoko makita nya na naiiyak ako
Naririnig ko ang paghikbi. Teka?
naluluha palang ako may Hikbi na?
Watta? Nagangat ako ng tingin at nakita ko si shin...
Na umiiyak.
"Sky, Pinagpapalit mo na ba ako kay Ivy?" parang bata na sabi nya.
Siguro dahil Busy kami sa mga Panliligaw na gagawin sa kanya ni ivy kaya bihira ko nalang sya makasama.
wag kang magalala, sa susunod ako na ang ipagpapalit mo sa kanya :/
Tumayo ako at niyakap ko sya.
"Kung isa man satin ay makahanap ng iba .. wala pading limutan ah?" niyakap ko din sya.
-Vain
