~ Sky.
Uwian na, hindi ko mahagilap ang mga kapatid ko, wala tuloy akong kasabay, haist! Palabas na ko ng gate ng makita ko si Shin na may kasamang babae, Mukhang nagtatalo sila ...
"Tapos na kayo ni rodge, at alam nman nten sa ating dalawa, ako ang mas pipiliin nya." sabi nung babae
"Walang sayo! Akin lang si Rodge!" sinugod ni shin yung babae at sinabunutan nya. dahil mas matangkad yung babae, hinawakan sya sa buhok at tinulak sa sahig sabay sampal. Hindi nako nanood pa sinugod ko yung babae hinawakan ko sya sa buhok kinaladkad ko sya palayo kay Shin.
"Sino kbang panget ka?!" sabi nya na pumapalag.
"Ano? sinong panget?" hndi sya makaalis dahil mahigpit ung pagkakasabunot ko sa kanya.
"Ikaw!" mataray na sabi nya. bumwelo ako at hinampas yung muka nya sa mga bakal ng gate.
"Sino ulet yung panget,?" nakangising tanong ko.
"Ikaw! ang panget mo!!!" sigaw nya pa ulit. hinampas ko ulet yung mukha nya sa gate.
"Panget ha! ngayon? sino ulet ung panget?"
"Ako, huhuhu tama na panget na ko" umiiyak na sya. binitawan ko sya.
"Subukan mo pa ulit na saktan si Shin, hndi lang yan yung aabutin mo!" sabi ko. mukha nmang natulala si shin at hindi pa nakabawi sa Pagkakaupo. nilapitan ko sya at itinayo.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko.
"Oo... oo ayos lang ako." wala sa sariling sabi nya. hinawakan ko yung kmay nya at iginiya ko sya palabas ng gate.
Parehas kaming tahimik habang inaantay ang driver na susundo sa amin.
"Bkit moko tinulungan?" parang naghihiya na tanung nya.
"Trip ko lang. boring eh." bored na sagot ko. oo nga pala hindi kami close.
"Ok." sabi nya
"Hindi ka manlang magtethankyou?" pangaasar ko.
Sinamaan nya ako ng tingin.
"Walang utang na loob!" sabi ko.
Hays ang tagal nman ni manong! nakakabato kasama tong si Shin.
maya maya, biglang kumulog. mukhang uulan ah.
"Sky." kinalabit nya ako.
Nagbingibingihan lang ako.
"Oy sky!" tawag ulit nya.
"bket?" parang naiinis kong sabi.
"Wala!" inirapan nya ko. tatawagin ako tapos wala lang pala Pfft!
Mayamaya tumunog yung cellphone ko. sinagot ko yung tawag.
*Hello?
*Mam sky si mang kanor ito, papunta na sana ako kaso nasiraan ako. magcommute nalang po kayo pasensya na
*ok po.
"Nasiraan si manong, magcommute nlang tayo."
"Ha? ayoko nga! edi magcommute ka! dito lang ako aantayin ko si manong!" pagmamatigas nya.
"Okay." naglakad nako papalayo ng biglang kumulog.
Lilingonin ko sana sya pagtingin ko nasa likod ko na at nakayuko. haist para syang bata.
Lalakarin pa nmen hanggang sa skayan ng bus. sana di kami abutan ng ulan.
"Oy! bilisan mo nman maglakad! uulan na oh!" sabi ko. pano ang bagal bagal maglakad!
"Edi iwan mo na ko! leche" aba't nakuha pang magtaray!
Mukha kseng hirap na hirap sya sa paglalakad dahil sa mga libro na dala nya. Sus! nagbag pa kse! ang liit liit nman! kinuha ko yung libro na dala nya mukha nman syang nagulat sa ginawa ko.
Bumilis na kahit papano ang lakad nya at nakarating na din kami sa Waiting Shed ng Biglang lumakas ang ulan. buti nlang hindi kami inabutan!
Mayamaya may huminto na bus.
kaso sobrang lakas ng ulan hindi kami makakasakay kung hindi kami susugod sa ulan, kung hindi kami makakasakay baka Gabihin na kami sa Paguwe. Hinawakan ko ang kamay nya at Sumakay na kami sa Bus. Basang Basa kami parehas.
~Shin.
Sa wakas! nakauwi nadin kami sobrang pagod na pagod ako, ano pa kaya si Sky? infairness ha. andami nyang ginawa sakin ngayong araw at dinedma nya lang ang pagtataray ko.
Achuuuu.
Narinig ko syang bumahing habang Biniblower nya yung mga gamit nmen na nabasa.
Hachuuuuuuu. Bumahing na naman sya.
"Oy sky, eto oh. inumin mo para hindi kana achu ng... ACHUUUUU" Pati ako bumahing na din xD
Bigla syang Tumawa ng malakas.
"WAHAHAHA! ang panget mo bumahing Achuuuuu!" ayan karma bumahing din sya.
"Wahahahaha! mas panget ka!" pangaasar ko sa kanya.
Magsasalita pa sana sya kaso Bumahing nanaman sya. Parehas kaming nagtwanan. Ewan ko ba, feeling ko nawala yung inis na nararamdaman ko sa kanya. Nagsimula na syang magkwento at nagiging komportable na ako sa kanya. Mali naman pala yung una kong pagkakakilala sa kanya. Para tuloy akong nagi-guilty.
"Sky, Salamat." buong pusong sabi ko.
"Ano pakiulet? hndi ko kase narinig eh!" halatang nangaasar sya.
"Binge ka ba? sabi ko sorry."
"Ah. Welcome" sabay ngisi nya.
"Oo na! thankyou na den!" sabi ko.
"Pwe. plastic mo!"
"Nagsosorry na nga ayaw mo pa!"
"Feeling mo cute ka pagnakapout ka ha?" sabi nya na nakangiti. ayan sumisilip nanaman yung mga Dimples nya!
"Cute talaga ako. achuuuu!"
"hahaha ano ba yan! pati sarili mo hindi tanggap na cute ka, ayan at bumahing kapa!" sabi nya habang papunta sa Foam na Higaan nya.
Pumunta na din ako sa bed at humiga na den. Pinatay na nya yung Lamp
"Sky."
"Oh?"
"Gusto mo dito sa kama?" yaya ko.
"dyan mo ko pahihigain?"
"Hindi, dito ka po magtatumbling sabay split." pilosopo kong sabi.
"Ha.ha.ha ang dami kong tawa mga one fourth."
"Kung ayaw mo edi wag! che!"
sabi ko at nagtalukbong.
"Malambot ba yang kama mo? pwede pa try?" sabi nya sabay higa.
Nagtawanan lang kami,
"Goodnight Skyline."
"Goodnight monica. wetdreams este sweetdreams,"
"Teka, bkit monica?" sabi ko sabay harap sa kanya. nakatalikod kase ako.
"Walang sayo! akin lang Si rodge boom panes!" ginaya nya yung sinabi ko kay ellise kanina.
Napahagikgik ako.
"GoodNight. achuu!" sabay naming sabe.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX