~Sky.
Nakalimutan kong gawin yung assignment ko kaya maaga ako pumasok para gawin yon sa Library.
Pagdating nman ng Breaktime at Lunch biglang sumakit ang Ulo ko kaya hindi ako nakasama kela Sunshine kumain.
Nagtataka ako kung bakit parang galit sakin si Shin. dahil ba hindi ako ngparamdam sa kanya maghapon kaya sya Nagkakaganito?
Pagdating nmin sa bahay binaba nya lang yung gamit nya tapos nawala na sya.
itetext ko nalang sya. kinuha ko yung Phone ko sa drawer at nakita ko na ang dami nyang missed call at text. tsh. Kaya siguro sya nagtampo.
Tinext ko sya.
Shin, sorry kung galit ka man.
Makalipas ang ilang oras hindi na sya nagreply.
Nagising ako ng may Pimipindot sa Pisngi ko.
"kakaen na." si shin pala.
"Hindi kana galit saken?" nakangiting tanong ko
"Nagalit ba ako? ha?" mataray na sabi nya.
"Oo!" sabi ko sabay pout.
"Hindi bagay sayo magpout, ngumiti ka nlang!" pintas nya
"At sayo bagay?" taas kilay na sabi ko.
Bigla nlang syang ngumuso sabay pikit. nakaisip nman ako ng kapilyahan. Nilapit ko yung mukha ko at pagdilat nya magkalapit na kami.
"di-di ba, ba..bagay sakin" utal na sabi nya.
"Sakin din ba bagay?" pumikit na ako tapos magpopout sana habang magkatapat kami kaso biglang may kumatok at halos mapatalon kami.
"Mam shin, may nahahanap pu sa enyo sa labas" narinig naming sabi ni ate chona.
Agad lumabas si Shin ng Kwarto
Whoooo! Muntik na.
__________________________________________
~Shin.
Lecheng ate chona yan! este lecheng sky yan! inumpisahan na nman ang pagti-tease sakin kaasar!
Wala sa sariling bumaba ako at inabutan ko si Ivy?.
Ikaw nanaman?
"Hi Shin" nakangiting sabi nya.
"Napadalaw ka?"
"Wala lang. bigla ka kasing umalis kanina sa 7'11 eh!"
"Ibyang?" tumingala kami parehas sa nagsalita. Ibyang? ano 'to may Endearment agad?!
"Sky! bat nandito ka?"
"Dito ako nakatira!" sige magusap lang kayo -.-
"Weh?"
"Little sister ko si Shin"sabi ni sky na tuluyan ng bumaba sabay akbay sakin. Umirap lang ako. Little Sister? Psh!!!!
"Pano nangyare?"