~Sky.
Napagod ako sa gala namin kaya maaga kami nakatulog.
Naramdaman ko na may tumititig sa akin kaya nagising ako.
Nakiramdam muna ako bago ako dumilat. Idinilat ko ng bahagya muna yung mata ko, at nakita ko si shin na inaamoy amoy ako.
Akmang hahalikan nya ako pero inunahan ko na sya.
Chup.
"Ay kabayo!" nagulat sya sa Ginawa ko.
"Tsk tsk, ang aga aga pinagpepyestahan ako." pangaasar ko. Umirap sya at sinabing
"Hindi ako masyadong nakatulog, excited kase ako" hinatak ko sya sa akin at niyakap ko sya
"Ang aga namang landian 'to" nakangising sabi nya.
Sumubsob ako sa tenga nya at bumulong.
"Floorwax ka ba?" bigla syang tumayo sa kama.
"Dont tell me ikaw si—" tumango tango ako. Oo ako si 8888
"Oo, plano ko kase na sirain yung plano namin ni ivy non kaso Nakonsyensya ako kaya labag man sa Loob ko sinunod ko sya sa mga plano nya sayo nun."
"Ugh. I knew it! sabi na nga ba eh. Kung pano mo ako pangitiin ganun din ang ginagawa nya eh"
Bumangon ako.
"Tara kumain na tayo maya maya nandito na sila Blight."
Bumaba kami at nakita namin ang kambal na nagbebreakfast.
"Aga ah! excited din kayo?" tanung ko.
Inakbayan ni Codey si Caden.
"Sya lang" tinulak ni Caden si codey
"Excited my ass! Ikaw din naman parang hindi ka sabik kay sunshine ah!" nagbugbugan yung dalawa.
Sabay sabay kaming kumain na apat.
"Oh Coffee." binigyan ko si Shin
"Never pa akong nagcoffee. Ayoko ng Amoy milk nalang" magkabaliktad pala kami. tss
"Hoy shin may Utusan ka ha! Ginaganyan mo si ate sky!" sabi ni codey.
Nagpaawa naman ako
"Ayos lang yon, basta maging close lang kami masaya na ako" nagsmirk ako hihi
Umirap lang si shin. Maldita talaga!
"Alam mo, shin hindi ka naman aagawan ni ate sky sa Pagiging daddy's girl mo. Kaya wag mo syang pagmamalditahan!" caden.
