~Sky.
Maaga akong nagising para magluto ng breakfast, Linggo kase wala pading pasok.
Nagluto ako ng Tapsilog para kay Shin .. maalala manlang nya yung Date namin nun. Sobrang nasarapan kase sya sa tapsi non e.
Inantay ko syang magising, ng matanaw ko sya na pababa agad akong pumunta sa dining at kumain hihi sabay kami ngayon enebe ~
Umupo sya sa Palaging nyang inuupuan sa tapat ko.
Nakita ko ang Facial Expression nya ng makita nya ang nakahain.
"Ikaw nagluto ate?" sabi nya habang ngumunguya.
"Kumakain ka daldal" sinadya kong sabihin, para maalala nya.
Bigla syang napatigil at natulala
"Oo" sabi ko din.
"Nananaginip ka ata kagabi?" pagoopen ko ng topic, gusto ko magkaron kami ng Conversation yun palang masaya na ako.
"Pano mo alam?" taas kilay na tanung nya.
Muntik na kong bilaukan dahil umiinom ako ng tubig.
"Ang Lakas kaya ng boses mo! sabi mo pa nga Skyyyyy! Skyyyy!" at ginaya ko pa sya. Bigla naman syang namula.
"Mukha mo!" ngumiti sya tapos biglang sumimangot.
Dinadalasan ko ang Pagkagat sa lower lip ko para Naman maakit sya kahit papano!
Tahimik.
"Ate, okay lang ba kung bibisitahin ako dito ni trip?" Anoooooo? tinignan ko sya ng masama.
"Ewan, kela mommy ka magpaalam."
"Edi ok, wala naman sila eh." pumapalakpak na sabi nya.
"Pero" ay. Ano nga palang KARAPATAN KO?
Pagkatapos kumain, Tinawagan ko agad silang lahat.
"Guyth, sumusuko na ako." malungkot na sabi ko.
"HAAAA?!" Malakas na sigaw nilang lahat.
"Mukhang masaya na sya ngayon, na wala ako sa buhay nya. Sayang lang sa Effort yon"
"pero sky.."
"Ok na ako mga dre, Ookay din ako. ge bye" ibababa ko na sana kaso biglang humirit si Light.
"Hindi mo naman kailangan na Gumawa ng iba't ibang bagay eh, ang gawin mo itama mo yung mga maling nagawa mo. Diba hindi naging kayo? Bakit hindi ka gumawa ng paraan para maging kayo na talaga? hays." binaba na nila yung tawag.
