KWARENTA y DOS (Brownout)

6.7K 177 7
                                        

~ Shin.

Bakit pa kase nagbrownout? day off lahat ng kasama nmin sa bahay wala silang lahat. Binuksan ko yung Flash Light ng Phone ko at Pumunta sa kitchen, kinuha ko yung mga kandila at naglagay sa palibot ng bahay, Bigla kong naalala si Sky, Bakit hindi pa sya bumababa?!

Pumunta ako sa kwarto nya na katabi lang ng Kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto, Malamang madilim wala akong nakikita, tinutok ko yung flash light sa kama at halos malaglag yung mga Panga ko sa nakikita ko.

Si Sky, Natutulog at Naka bra at panty lang. Hindi ko mapigilan na lapitan sya ..

Ilang araw ko ng napapanaginipan na Iiwanan nya ako. sya kaya? Napapanaginipan nya din kaya ako?!

Hinawakan ko yung Makinis nyang mukha, Teka! bakit amoy alak sya? naglasing nanaman ba sya?

Nagselos kaya sya samin ni Trip?

tinapik tapik ko yung mukha nya,

Unti unti syang dumilat, tila nagulat sya na nasa harapan nya ako.

"Brown out ate." tinutok ko sa mukha nya yung flashlight. nakita ko ang pamumugto ng mga mata nya.

Hindi sya sumagot at niyakap ako palapit sa kanya.

Nagulat ako sa ginawa nya.

"Sabihin mo sa akin Shin .. Nananaginip ba ako?" bulong nya sa tenga ko.

Hindi ako sumagot, Pinipilit kong wag mag padala sa Emosyon.

"Namiss ko yung yakap mo" nabasag yung boses nya. Naramdaman ko ang basa sa Balikat ko. Umiiyak sya.

Huminga ako ng malalim.

"Kung Mababalik ko lang yung dati Hindi ko na sana hinayaan na mawala ka sa akin" Shin, wag kang maniwala sa kanya! lasing lang sya!!!!!

Kumalas ako sa Pagkakayakap nya.

"Lalabas na ako." Pagpapaalam ko. Nung makalabas na ako ng pinto saka ko inilabas ang pagiyak na kanina ko pa pinipigilan.

Nagstay lang ako sa Sala. Naglaro ng games sa Phone kung ano ano ang ginawa ko para malibang, para hindi ko maisip yung nangyari kanina.

Pero nagulat ako ng may marinig akong galabog sa Taas. Bigla kong naalala madilim doon, lasing pa si sky!!!

Agad akong tumakbo pataas at pumasok sa kwarto nya.

Bihis na sya at nakaupo sa sahig.

Tinapat ko ulit sa kanya yung flashlight.

"Ang dilim kase, Sorry nauntog ako." nakangiti na sabi nya tae, ayan na naman yang ngiti na yan!

Tumango ako at Akmang bababa na pero bigla syang umungol.

"Araaaaaay!" agad akong lumapit sa kanya

"Oyy! Concern sya!" Pangaasar nya Wtf! Nabiktima ako dun ah!

Inirapan ko sya at padabog na bumaba.

Maya maya bumaba na din sya na Sisinglot singlot pa. Lasinggera kasi eh! kainis

Nagpunta sya sa Dining Room, kakain ata ilang oras lang Umupo sya sa tabi ko.

Konpyus ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon