~Shin.
IVY?!
bakit nandito si Ivy?!
"Shin.." sabi nya.
ANONG NANGYAYARE?!
"Shin, Dba sinabi ko sayo dati na may nagugustuhan ako.. kaso babae. shin gusto kong sabihin na ikaw yon.. sorry tinago ko pero ngayon hindi na ako mahihiya.. Mahal na kita shin dati pa." napatulala ako sa sinabi
ng Bestfriend ko.
Lumingon ako kung saan nandon si Sky kanina pero wala na sya.
"Ikaw?!" tanung ko.
"Oo ako.. ako yung naglalagay sa locker mo, pag madaming tao tinutulungan ako ni sky. shin uhmm. papayag ka ba kung liligawan kita?!" EH?
Hindi ko alam ang gagawin ko :l
"Hindi... kayo ni Sky?" alanganing tanong ko.
"HAHAHAHA ikaw talaga, nagseselos ka ba samen?!" kinikilig na tanong nya.
Oo nagseselos ako sayo kase dikit ka ng dikit sa Sky ko!
"Uhm.. Ivy, bakit ako?!" alanganing tanong ko.
"Eh sayo ko naramdaman eh. alam kong straight ka pero nagbakasakali lang ako."
"Ivy.. mahal kita..."
"Pero bilang bestfriend lang. may iba akong gusto. may iba akong mahal." Nakita ko ang paglungkot ng mukha nya.
"Mahal kita, mahal ko ang pamilya ko, pero ivy.. Hindi kita kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan.." naiiyak na sabi ko. ayoko sanang saktan ang bestfriend ko pero kailangan kong gawin 'to.
Umiiyak na niyakap nya ako.
"Dahil ba babae ako.. babae tayo?"
"Maniwala ka sakin hindi ganon yon.. kase babae din ang mahal ko." kumalas sya sa pagkakayakap sakin
"Wag mo sabihing Sya?" Sya? alam na kaya nya na Gusto ko si Sky?!
"Oo si sky." nagulat ako ng ngumiti sya ng maluwag.
"Ok then. Tanggap ko na.. ako ang pinakaunang sasaya kung mapupunta ka kay sky..."
niyakap ko sya ng mahigpit.
"Thankyou Ivy!"
"Bestfriend forever?" tanung nya.
"Bestfriend forever!"
------------
~Sky.
"IVY MAHAL KITA" nang marinig ko yung salitang yon tumakbo na ako papalayo.
Umasa ako na Makikinig sakin si shin umasa ako na hindi sya papayag na magpaligaw kay ivy pero mali...
Sino ba naman ako?!
Bestfriend nya yon! malamang magkagustuhan sila nun!
eh ako? Ako lang naman yung Balahura nyang Kapatid.
Siguro uumpisahang ko ng tanggapin na mali at hindi kami pupwede.
Bumili ako ng isang Kahon na Empi light at pumunta ako sa tinitirhan ko dati.
Dito nga ako nababagay.
Kumatok ako sa Pinto at nakita ko si tatay na Nagsosolong uminom ng Gin.
"Tay!" Nagyakapan kaming dalawa.
"Tay miss na miss ko na kayo! eto pasalubong ko po para sa inyo"
nilagay ko sa lamesa ang Kahon!
"Nako! Salamat sa Vitamins anak! teka.. umiiyak ka ba?!"
Sumubsob ako sa dibdib ni tatay at humagulgol.
"Shh. anak buksan naten yung isang bote at ikwento mo sakin lahat."
~Blight.
Amboring talaga ng buhay pag wala si Sky! wala kasing nag.uumpisa ng katarantaduhan!
Nakatambay kami ngayon sa tindahan ni aling Tekla nagaabang ng mapagtitripan.
"Ate Blight ate Light ate Sunshine! nasa bahay po namin si Ate Sky!" sabi neyo ang Tisoy na kapatid ni sky.
"Talaga! gora na tayizzzzz!"
sabi ng baklitang si Sunshine.
Pagpasok namin sa bahay nila
Oo nga at nandon si sky.
Maga ang mata at Mukhang malungkot.
"Nandito na pala yung mga clown mo eh!" sabi ni mang ben.
Ngumiti naman si sky.
"Anong Problema mo girl?" sunshine.
"Tapos na kami mag Usap na magtatay, kailangan ko ng tabihan si gwen dahil susundan pa namin si Chris ng Babae." yun lang at umalis na si mang ben
"Pinalaya ko na sya.." wala sa sariling sabi nya.
"Sino? si Bi?" tanong ni light.
Malungkot na tumango si Sky.
Kawawa naman ang kaibigan namin yumaman lang nainlove na agad.
"Tama ba yung ginawa ko?!" sabi nya pagkatagay.
"Bakit mo kase binigay sa iba? bakit hindi mo pinaglaban?" tanung ko.
"Dapat... dapat.. kaso sinabi nya na Mahal din daw nya eh. ano pang magagawa ko?!"
"Madami pang iba dyan.. wag mo sayangin ang alindog mo sky, nandyan si mang pedring si mang tasyo at si mang juancho pasasayahin ka nila" banat ni sunshine at dinamay nya pa yung mga lasinggero naming kapit bahay.
"Hahaha. Sana nga ganun na lang." parang baliw na sabi ni sky.
"Alam mo sa buhay natin.. nagmamahal tayo at nasasaktan...
umiibig na kailangan din lumaban pero ano mang pagsubok ang dumating sten lahat yan may paraan, iiyak ka man ngayon bukas wala na yan" napanganga kaming lahat sa sinabi ni Light.
"Wow kapatid! ang lalim ha! himala at nagkakautak ka na?!"
"Ha? May nag-Gm eh." inangat nya yung cellphone nya.
Pota! akala ko Namulat na sa totoong mundo yung kapatid ko! Azar :v
May Kumakatok.
"Sino yan?" sigaw ko.
"Tao po!" sabi ng isang lalake.
"Wala kaming yelo!" sigaw ni sky.
"Ate Sky?!" nung marinig ko ang pamilyar na boses na yon ay mabilis pa sa Fourthirty kong Binuksan ang Pintoo~~~
"CADEN?"
