~Shin.
Kanina pa wala si Sky. 4 ang uwian nmin at mageeight na, wala parin sya. kinuwento sakin ni Caden na baka kasama yung mga kaibigan nya. pero iba yung pakiramdam ko eh! Aist! bakit bako nagaalala ng ganito?
Sa kakaantay ko nakatulog nlang ako. Pero nagising ako nung gumalaw yung kama. Bumangon ako, nandyan na pala si Sky.
"Kakauwi mo lang?" tanung ko.
"Oo dumalaw ako kela tatay eh. matulog kna ulit, naistorbo pa kita." sabi nya na nakatalikod.
at pumunta sya sa Bathroom
Binuksan ko ang ilaw. mayamaya lumabas na sya sa Cr.
"Anong nangyare sayo?" nagulat pa sya ng makita ako. agad nyang tinakpan yung bibig nya na kitang kita ko na may sugat.
"Wala, nadulas ako sa Cr." halatang pagsisinungaling nya.
"Putok yang bibig mo? wag nga ako!"
"Nakipaghalikan ako sa Bulldog." pagpapatawa nya mga dahilan eh nu!
"Eh bakit puro dugo yung Blouse mo?" inangat ko yung blouse nya.
"Virgin kase kaya dumugo!"
Kinuha ko yung first aid kit at Nilapitan ko sya.
"Tara nga dito!" pinaupo ko sya sa kama.
Pinapahiran ko ng betadine yung sugat sa bibig nya at ilalim ng labi.
"Ano ba kseng nangyare?!" tanung ko
"Nakipagha--- araaay araaay masakit!" diniinan ko yung bulak sa bibig nya.
"Oo na oo na sasabihin ko na."
Kinuwento nya sakin ang Buong nangyare, mabuti nlang at nacorner nila sila ellise. kundi binalikan ulit sya non.
"Pati tuloy ikaw nadamay sa gulo"
sabi ko.
"ano ba kasing nangyare sa inyo nung ellise na yon? at dun sa rodge?"
"Boyfriend ko si Rodge mga 3 weeks na kami, yung gabing nakita mo kami na nagaaway non, sa phone palang inaaway ko na sya. nung pinuntahan nya ako pinapili ko sya ako o si ellise at si ellise ang pinili nya kaya ko sinugod si ellise non kahit alam kong wala akong laban sa kanya dahil founder sya ng isang Sorrority."
"bata bata pa kase lumalovelife na! nandito naman ako.." napatingin ako bigla sa mga mata nya sa sinabi nya.
"Nandito nman ako, si codey si caden para makasama mo. bkit kase nagboboyfriend ka pa!" sabi nya. Mali pala yung iniisip ko kanina >_<
Niyakap ko sya na kinabigla nya.
"Thanks sky, thankyou talaga! GoodNight! " hinalikan ko sya sa cheeks at humiga na ewan ko kung bakit ko nagawa yon siguro na dala lang ako sa sitwasyon..
____________________________________
~Sky.
Goodmorning philippines, goodmorning world. Ang sakit ng katawan ko :/ mabuti nlang walang pasok. pero pag naaalala ko yung nangyari kagabi, kusa nalang akong napapangiti. Nagiging Abnormal yung Dibdib ko twing nagkakalapit kami ni Shin. Pero mali ito. kapatid ko sya. KA PA TID saka, kelan pa ko naattract sa Kapwa ko? haaay masama na 'to!
"Goodmorning Gangster! breakfast in bed!" whoa. meganon?
"Salamat, nagabala ka pa!"