Heaven POV."Gusto mo ba syang makita Anak?" tuwang tuwang nakatingin saken si Mommy habang papalit sa kama kung san ako nakahiga. Kita sa muka ni Mommy yung saya na naaramdaman nya.
Ganyan ba sya nung ipinanganak nya ko? bakit parang mas masaya sya kesa saken? diba dapat masaya ko kase binigyan ko sya ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito.
Maya maya may nurse na pumasok sa kwarto ng ospital na kung nasan kame. dala dala nya yung isang baby kung saan biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko. iniabot nya kay Mommy. "Thankyou Nurse.."
"Maiwan ko po muna kayo.." ngumiti yung nurse tsaka lumabas ng kwarto.
Lumapit saken si Mommy at habang palalapit sya saken, parang bigla kong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam kung baket,
Kaba na makita yung bata, yung baby na pinanganak ko.
"Buhatin mo sya Anak.." hindi pa man ako sumasagot, binigay nya na saken yung baby.
Pagkakitang pagkakita ko palang sakanya, iba na yung naramdaman ko, biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. parang pakiramdam ko maiiyak ako,
maiiyak ako sa sobrang tuwa. ang amo ng muka nya, kamukang kamuka ko sya. ang saya kong makita sya. akala ko pag nakita ko sya kakamuhian ko sya, pero hindi pala. ang saya ko kase dumating sya sa buhay ko. hindi ko na namamalayan na pumatak na pala yung luha sa mata ko.
"Alam mo ba Heaven, ganyan na ganyan din naramdaman ko sayo nung ipinanganak kita.." kahit di ako nakatingin kay Mommy alam kong masaya sya sa sinabi nya. tinititigan ko lang yung anak ko, ang saya ko ng makita ko sya. akala ko ipapagtabuyan ko sya sa sobrang galit ko pero hindi. totoo nga yung sabi saken ni Mommy, iba pala pag hawak mo na sya. ang saya sa pakiramdam kapag nakita mo yung pinaghirapan mong dalhin sa loob ng siyam na buwan. ang ganda ganda ng Anak ko, kamukhang kamukha ko. sunod na sunod na luhang bumabagsak galing sa mata ko,
Hindi ko alam pero sa oras na toh, hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko, ibang iba sa lahat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ako ang pinakamasayang tao ngayon,
"Nakaisip kana ba ng pangalan ng Anak mo?" tanong ni Mommy na masaya din para saken.
"Divine.." diri-diretso kong sabi. "Divine, gusto kong ipangalan sakanya Mommy, gusto kong isunod kay Lola Divina.." nakangiti ako habang nakatingin sa muka ng Anak ko.
Sabi kasi saken nun ni Lola, pag nagkaanak daw ako wag ko daw syang kakalimutan at ipakilala ko daw sya sa Anak ko. natatawa na nga lang ako kase ang bata bata ko pa nun para magkaanak.
", bagay na bagay sakanya. I'm sure tuwang tuwa si Mama dahil sinunod mo yung sinabi nya, sige lalabas na muna ko. aasikasuhin ko muna yung bill naten dito sa Hospital.." Paalam ni Mommy saka lumabas ng pinto.
Napatingin agad ako sa muka ng Anak ko, "Hi Divine Anak, sorry ha? patawarin mo nun si Mommy kase naisipan kitang ipalaglag.. sorry Anak, nung una kase pakiramdam ko hindi kita kayang buhayin dahil sa ginawa ng hayop na lalake na yun saken, pero narealized ko na wala ka namang kasalanan sa nangyari ehh. Ako yung may kasalanan dahil wala man lang akong nagawa nung nangyari yung bangungot na yun saken.
Bangungot na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko, pero ngayon andito kana Anak, hindi ako nagagalit sayo dahil bunga ka ng paghahalauy saken nung lalakeng yon,
Isa kang blessings Anak ko. kasabay nun sunod sunod na nga na luha ang pumatak sa mata ko.
"Patawarin mo ko Anak dahil saken namatay sya dahil ipinagtanggol ko yung sarili ko sakanya. sorry ha? kung diko ipinagtanggol yung sarili ko, wala sana tayong dalawa dito. Gagawin ko ang lahat para maging Mommy at Daddy para sayo. bubuhayin kita kahit ako lang mag isa. hinding hindi kita papabayaan Anak ko, iloveyou.." Kasabay nun kiniss ko sya sa noo nya.
I'm Heaven Cassmere Alanddy, 17 years old,
I'm a raped victim,
Sa edad kong 16 nabuntis nako,
Dahil sa nangyaring isang bangungot, bangungot na hinding hindi ko kayang kalimutan sa buong buhay ko.
Kahit last year lang nangyari yun pakiramdam ko fresh na fresh parin saken lahat, lahat ng ginawa saken ng walang kwentang lalakeng yon, ang nag iisa nameng driver sa bahay pero pinagsamantalahan lang ako,
Hindi ko man lang alam na sa sobrang kabaitan saken ng Driver namen bat tinatago sya, ang tanga tanga ko bakit hindi ko man lang yon nararamdaman at nahahalata?
Pakiramdam ko nung nangyari saken lahat ng toh, feel ko sirang sira na yung buhay ko, pakiramdam ko wala nakong kwenta, pakiramdam ko ayaw ko ng mabuhay, pakiramdam ko wala ng kwenta lahat ng mangyayari saken dah sa nangyaring yon, pakiramdam ko wala nakong dahilan para mabuhay..
Pero andiyan si Mommy at Tito Dean para saken na laging nagpapaalala na may Anak ako, may dahilan pako para mabuhay at yun si Divine,
Akala ko kaya ko syang ipalaglag, akala ko kaya ko syang patayin pero hindi. Lahat ng yun akala lang pala,
Ngayong buhat buhat ko sya, nakukunsensya ko nun dahil sa kung ano anong gamot ang iniinom ko, baka sakaling mamatay sya, lagi akong nagpapakapagod baka sakaling malaglag sya,
Pero lahat ng yun pinagsisisihan ko na, narealized ko na sobrang sama ko dahil ginagawa ko to sakanya. Hindi ko sya binibigyan ng chance para mabuhay,
Pakiramdam ko ako ang pinakamasamang tao sa buong mundo.
"Baby, patawarin mo si Mommy huh? Patawarin moko dahil tinry ko na ipalaglag kita, patawarin moko dahil gusto kitang mawala nun, pero maraming maraming salamat dahil hindi moko iniwan, dahil hindi ka bumitaw, proud na proud ako sayo dahil kapit na kapit ka parin saken at hindi moko iniwan, dun pa lang sobrang saya ko ma dahil alam kong buhay ka at hindi moko iiwan.."
Hinaayaan ko lang lahat ng luha ko na babagsak, dahil kahit naman pigilan ko toh babagsak at babagsak pa rin talaga toh, dahil sa sobrang saya ko.
Totoo nga yung sabi ni Mommy mag iiba ang lahat kapag lumabas na sya sa tiyan mo, at doon ko napatunayan na ang sarap at saya sa pakiramdam ng makita mo na yung Anak mo,
Sobrang saya sa pakiramdam at ayoko ng matapos pa..
Itutuloy....
Note!!!
Sa lahat po ng magbabasa neto, ito po ang kauna unahang Storya na isusulat ko, kaya po sana sorry po kung may typo at wrong grammar ako, dahil ito pa ang first time kong magsusulat, wala naman ho sigurong perpekto diba? kung meron man po pwede pakibigay ng Address nya? gusto ko din maging perfect hihi. Charoughtttt'ssssss!!! It's better to be true na lang :)Mahalagang Paalala,
Lahat po ng isusulat ko dito ay nasa aking isip lang po, Pangalan ng tauhan, ng lugar, at kung ano ano pa po. Lahat po ng mababanggit kahit na katiting sa istorya na toh ay lahat po ay nasa isip ko lang po. Kaya kung may nagkataon pong kapareho or nagaya ko na kahit ano, humihingi na po ko sainyo ng pasensya ngayon pa lang :) Lahat ng toh kathang isip lamang pero po meron akong isusulat na base sa karanasan ko. Yung lang po at maraming salamat :)ENJOY READING MGA BESSY!!!! :)
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...