Pinark ko muna yung kotse sa parking area tsaka bumaba. papasok na sana ko campus ng makita ko sa di kalayuan si Ayns at Yao na nagyoyosi.Mga gwapo sila pero kahit pala gwapo sila papangit pala yung tingin mo sakanila kapag may ginagawa silang hindi maganda. katulad ngayon naninigarilyo sila hindi maganda tignan sakanila.
Agad naman silang napatingin saken atsaka nila tinapon yung sigarilyo nila.
"Heaven ikaw pala," sigaw ni Ayns saken at papalapit sila sa direksyon ko.
"Sorry naistorbo ko na naman kayo" nahihiya hiya kong sabi. nang makarating naman sila sa harap ko, naaamoy ko yung amoy ng sigarilyo sakanila.
"Ayus lang yun Friends," nakangiting sabi ni Ayns.
"Hi Heaven, mauna nako sainyo ah? diyan na kayo" nakangiting sabi ni Yao tsaka sya umalis at pumasok ng campus.
"Nakita mo na naman akong nagyoyosi, nakakahiya" napatingin naman ako kay Ayns na nasa tabi ko at halata ngang nahihiya sya.
Bakit ba sya nahihiya saken? magkaibigan na kame kaya wala na dapat syang ikahiya.
"Okay ka lang?" natauhan naman ako ng magtanong ulit sya.
"Ahh-oo naman, ahh Ayns pwedeng magtanong?" nahihiya kong tanong sakanya.
"Oo naman ano yun? tara lakad na tayo habang nag uusap" yaya nya tsaka kame naglakad papasok ng campus.
"Matagal ka na bang naninigarilyo?" tanong ko habang naglalakad kame sa hallway. hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ko yan natanong haha. wala lang nacucurious lang ako
"Hmm o-oo eh, matagal na din kaya ang hirap iwasan"
Kaya naman pala nasanay na sya kase matagal na din pala nyang ginagawa yun.
Tsaka isa pa, ano bang pakiealam ko kung naninigarilyo sya? hindi ko naman na dapat sya tinatanong dun kasi wala naman saken yung kahit naninigarilyo sya.
Siguro concern lang ako sakanya kasi kaibigan ko sya, gusto ko kasi mapabuti yung mga kaibigan ko.
"Friends? alam ko yung iniisip mo." natatawa tawa nyang sabi. napatingin naman ako sakanya, "Alam mo?" nakakunot kong tanong sakanya.
"Oo," sagot nya.
Ako naman natawa sa sagot nya. "Haha oh sige ano yun?" paghahamon ko pa sakanya.
"Ang pangit tignan saken na nagyoyosi tama diba?" agad naman akong nagulat sa sinabi nya.
Naweweirduhan na talaga ko kay Ayns, minsan nababasa nya yung naiisip ko.
"Halata naman kasi eh, tama ka nga nakakaturn off kung naninigarilyo kame. hayaan mo Friends titi--"
"Uy Ayns hindi ah, okay lang naman kung naninigarilyo ka tsaka nakilala naman kita ganyan kana kaya hindi mo na kaila--"
"Okay lang Friends" pagpuputol nya sa sinabi ko tsaka sya ngumiti. "Hayaan mo magbabago ako hindi dahil gusto mo, magbabago ako dahil gusto ko. okay ba Friends?" nakangiti nyang sabi.
Ngumiti din naman ako sakanya at tsaka ko tinaas yung kamay ko para makipag apir sakanya. tinaas nya din yung kamay nya at nag apir kaming dalawa.
"Hahaha alam mo Friends ikaw lang yung babaeng nagsabi saken na pangit tignan na naninigarilyo ako" sabi nya na seryoso.
Napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya. "Anong ako ka diyan, wala naman akong sinabing pangit tignan sayo ah? ikaw lang naman nag iisip nyan" dipensa ko sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Fiksi Remaja"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...