(21) Ayns's Party.

5 0 0
                                    



Nang makauwi nako sa bahay at dumiretso ng bahay nilapag ko agad yung bag ko at kinuha yung invitation na binigay ni Ayns saken.

Binuksan ko yung invitation at binasa ko yung nakasulat don.

6:30 pm pa lang mag uumpisa yung party. tinignan ko yung alarm clock ko at 4:20 pa lang ng hapon. 1 hour na lang ako bago mag ayos ng susuutin. ilalagay ko na sana yung invitation sa envelop kung saan nakalagay to ng may nakita naman akong maliit na papel sa loob.

Kinuha ko naman yun, mukang may nakasulat kay binasa ko na din.

To Heaven My friend,
Sana makapunta ka sa birthday ko, promise ko sayo mag eenjoy ka :) message mo agad ako kung nabasa mo tong sulat ko may sasabihin ako. :)

Pagkabasang pagkabasa ko napakunot yung noo ko. ano kayang sasabihin nya.

Kinuha ko yung phone sa bag ko at tinext sya.

To Ayns Caster Devilla.
Nabasa ko na yung sulat, anong sasabihin mo birthday boy?

-Sent!

Nagbihis muna ko ng pambahay at bumalik ulit sa kama ko para tignann yung phone ko kung may message na si Ayns.

From Ayns Caster Devilla.
Andito ko sa labas ng bahay nyo nag aantay sayo :)

Nanlaki agad yung mata ko sa nabasa ko? Ano? Nasa labas daw sya ng bahay nag aantay saken? bakit naman?

Agad lumapit sa bintana ng kwarto ko at  sumilip ako ng kaunti pari tignan kung andun nga sya,

Hindi nga sya nagbibiro andun sya  nakatayo sa kotse nya at halata ngang nag aantay saken.

Tinignan ko muna yung sarili ko bago lumabas ng kwarto at bumaba.

"Oh Cass, may groupings ba agad kayo? napansin kong may nag aantay ata sayo diyan sa labas.." Bungad ni Mommy sa sala ng makababa ako.

"Wala po Mmy, kaibigan ko po si Ayns." sabi ko kay Mommy.

"Ayns? familiar yung pangalan nya, sya ba yung nakwento mo sakeng nagpakilala sayo?" nagtatakang tanong ni Mommy.

"Opo sya nga po," nakangiti kong sagot. "Sige po Mommy lalabasin ko po muna,"

"Sige sige," sabi nya tsaka ko dumiretso palabas. palapit nako ng gate ng napatingin sya saken, halatang hindi pa sya umuuwi dahil naka uniform parin sya.

Pagbukas ko ng gate lumapit agad ako sakanya. "Oh. Ayns pano mo nalaman to?" nagtataka kong tanong sakanya

"Kagabe, nakita ko kasing dito ka huminto nag antay ako dito kung lalabas ka, lumabas ka kaya hindi ako nakamaling dito ka nga nakatira" paliwag nya. tumango tango naman ako sa sinabi nya.

"Diba dapat nag aasikaso kana ngayon ng birthday mo bakit ka nga pala napadaan dito?" tanong ko sakanya.

"Okay lang maraming nag aasikaso sa bahay," nakangiti nyang sagot.

Infairness mas gumagwapo si Ayns kapag nakangiti.

"Kaya pala ko nagpunta dito kase ano, wait.." tumalikod sya at nagpunta sa kotse nya na parang kukunin ata sya.

Pagkita ko isang paper bag yung kinuha nya sa likod ng kotse nya at lumapit saken.

"For you," tsaka nya inabot yung paper bag na binigay nya saken at nag aantay na kunin ko.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon