Pinarking ko muna yung kotse ni Mommy sa parking lot tsaka nako bumaba at dinala yung Report namen.Bwiset naman kase tong Zayntanas at Lucifer na yun ako pa daw pinagbitbit ng Report namen, sila tong lalake tapos hindi nagdala.
Napakagentelman talaga ng dalawang yon.
Pumasok nako sa loob at naglakad sa hallway, himala walang Ash na sumisigaw sa pangalan ko ngayon, nangyari dun?
Naglakad na lang ako sa hallway at wala na namang pinagbago dahil ang sama na naman ng tingin ng mga studyante saken.
Hays walang pinagbago. Dumiretso na lang ako ng classroom,
Ilang minuto lang dumating yung dalawang demonyo dito sa classroom, hindi ko na lang sila pinansin. Ayokong masira yung araw ko tsss.
"Hi Heaven, alam mo mas maganda ka kapag hindi naka uniform," bungad ng Lucifer na toh ng makaupo sila sa likod.
"Kabahan ka nga sa mga sinasabi mo Gabb." sarcastic na sabi ni Zayntanas.
Pinikit ko yung mata ko at nagpipigil na naman ng galit sa dalawang demonyo na to.
"Totoo naman diba bro, ang ganda ni Heaven kahapon, muka syang Angel.." sabi ni Lucifer,
"Angel without Halo.." dagdag ni Zayntanas at saka sila nagtawanan.
Lumingon nako sakanila at tinagnan sila ng masama. "Hoy dalawang hari ng kademonyohan, atleast ako Halo lang kulang saken eh sainyo? kahit Angel wala, at isa pa puro kayo kasungayan sa ulo!" pagtataray ko sa kanilang dalawa.
Tumawa naman sila ng nakakaloko at halatang hindi naasar sa sinabi ko.
"Hoy Zayntanas, sige tumawa kapa ng tumawa kasi onti na lang kamuka mo na talaga si Santanas
"At isama mo pa yang kaibigan mong kamuka ni Lucifer!" sabi ko sakanila at tinarayan sila tsaka ko humarap.
Sakto naman dumating na si Sir Liam,
Nagturo lang si Sir Liam at parang nakapagpahinga ko dahil tahimik lang ang dalawang demonyo sa likod ko. Sana lagi na lang naglelesson para hindi ko naririnig yung pang aasar ng dalawa sa likod ko.
Rinding rindi na talaga ko sa boses ng Zayntanas at Lucifer na to.
Ilang oras din natapos na yung lesson ni Sir Liam, eto na. kinakabahan nako Ap na, (History Class) sana maging maganda yung report namen at sana naman maayos din ng dalawang toh.
Pumasok na si Maam Farrah, binigyan nya kame ng 5 minutes para iready yung report namen.
"Hoy kayong dalawa, mamaya nyo na pairalin yang kademonyohan nyo. Umayos kayo kahit ngayon lang!" sabi ko sakanila na galit pero seryoso.
"Yess Angel," nakangiting sabi ni Lucifer. tss hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya at tinarayan na lang sya.
"Okay so Let's start and Goodluck!" sabi ni Maam Farrah,
Una nyang tinawag yung mga nasa harap.
Halos maayos nilang napapaliwanag yung sakanila at halos lahat seryoso na nakikinig sa bawat nagrereport.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...