"Eastern Boys?"
"Sino naman sila?"Sabay nameng tanong ni Ash, magsasalita pa sana ko kaso nagsalita na si Erin.
"Si Ayns, Zayn, Yao, Gabbrien, Kyle at Sam Anim silang magkakaibigan at matagal na silang Heartrob dito sa Campus, dahil sa Banda nila at kasunod nun laging Champion yung Varsity nila dito sa school.."
Biglang kumunot yung noo ko sa sinabi ni Erin? nasabi nya ba yung name na Zayn?
Nagsibalikan na sa table yung mga babae na kanina nagkukumpulan, at kitang kita na namen yung papunta sa cafeteria na Anim nga na lalake.
Habang papalapit sila at sa tingin ko dun sila papunta sa bandang gitna na may sofa at halata namang para talaga sakanila. Napatingin ako dun sa isa sa anim na Heartrob daw,
wait? sya?. oo nga sya nga, sya nga yung lalakeng mayabang kahapon sa cementery at national bookstore plus classmate ko pa, pati rin yung nagpakilalang Gabb saken kanina.
So, heartrob pala sila dito sa Campus? Kaya naman pala kanina nung pumasok sila sa Section one, yung mga babae parang bulate na nilagyan ng asin sa sobrang kilig dahil sa dalawang toh.
"Makatitig ka naman Heaven, baket may kilala kaba sakanila? infairness pogi nga sila at sobrang hot pa.." sabi ni Ash na halatang kinikilig din.
Totoo naman gwapo silang lahat at muka silang mga Artista sa dating nila. pero makikita mo angat yung muka ni Zayntanas sakanilang lahat.
Pero kahit na ganun ayoko parin sakanya ang panget ng ugali nya.
"Para kang baliw Ash, classmate ko kasi yung dalawa diyan. si ano, si Zayn at Gabb.." dipensa ko sakanya, hindi ako magkakagusto sa Zayntanas na yan noh.
"Edi Section one ka pala Heaven, .." tanong ni Erin, tumango tango naman ako bilang sagot.
"Curious parin ako sakanila Erin, magkwento ka naman dali.." eto namang babaeng to halatang excited na malaman ang tungkol sa kanila.
"Sikat ang Banda nila dito sa Campus at Sikat na din yung Varsity nila, kase halos sunod sunod yung champion na nakukuha nila sa tuwing lumalaban yung School naten sa Basketball ng dahil sakanila, totoo naman kase magagaling talaga sila lalo na si Zayn, atsaka sikat nadin yung Banda nila dahil sa madalas silang mag Perform sa Mall kaya kasabay ng pagsikat nila naging Heartrob sila dito sa Campus kaya tinawag silang Eeastern Boys.."
Tumingin ulit ako sa direksyon kung nasan sila. woahh wala man lang akong kaalam alam na nakaaway ko yung lalakeng Heartrob at sikat dito sa Campus kahapon.
kaya naman pala napakayabang!
"Ang Daddy ni Zayn ang may ari ng School na toh.." Pagkasabi ni Erin nun gulat akong napatingin sakanya ganun din si Ash.
Seryoso sya? Daddy ni Zayntanas ang may ari ng School na toh.
Muka namang nabasa ni Erin yung nasa isip ko. "Oo Daddy nya ang may ari ng school na toh. si Mr. Kristan David ang totoong may ari ng school na toh, hindi naman sila neto pinagbabawalan sa gusto nilang gawin dahil hindi naman nila pinapabayaan yung pag aaral nila at isa pa hindi nawawala sa section one si Zayn pati narin si Gabb kaya hinahayaan lang sila ng Daddy neto sa ginagawa nila, at todo suporta pa sya sa Anak nya, pero may limit din naman hindi naman kinukunsinti ng Daddy nya yung mga kalokohan nya.." Paliwanag ni Erin,
Ngayon alam ko na kaya naman pala napakayabang netong Zayntanas na toh. dahil sila naman pala may ari ng school na toh! pero bakit parang bigla kong kinabahan kay Zayntanas? hindi kaya pag pinatulan ko tong mokong na toh ikick out ako dito sa school nila? hindi naman siguro hays!
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...