(30) Devilla's Hospital.

6 0 0
                                    



Nakasakay na kame ni Mommy at Tito Dean sa kotse ni Mommy, si Tito ang nagdadrive at si Mommy karga karga si Baby. papunta kame ngayon sa Quezon para pumunta sa Hospital ng Daddy ni Ayns.

Nauna na si Ayns don dahil kailangan nyang makausap yung Daddy nya, minessage na lang nya samen yung Address. medyo malayo din yung Quezon dito kaya mahaba pa yung biyahe namen.

"Sige na Cass matulog kana muna," nakangiting sabi ni Mommy sa tabi ko. ginawa ko na lang yung sinabi ni Mommy at natulog na lang din ako.

Inaantok pa kasi ako hindi ako nakatulog ng maayos sa paanan ni Baby, hindi kasi ako makaunat ng maayos dahil para lang naman kay baby yung kama. nagpumilit kasi ako kay Mommy na kahit isang gabi lang dun ako matulog kay Baby.

Kinulang din ako sa tulog dahil maaga kameng nagising kanina para maaga din kameng makarating sa Quezon kaya sobrang inaantok talaga ko.

Pinikit ko na din yung mata ko at natulog na muna ko.


--//


Ginising nako ni Mommy ng makarating na kame ng Quezon. binuhat na ni Tito Dean yung bag na dala namen at binuhat ko na rin yung bag ko tsaka kame lumabas ng kotse.

Paglabas namen ng kotse nakita ko agad yung malaking Hospital na nasa harap ko.

"Devilla's State Hospitality"

Eto na yung Hospital nila Ayns, dumiretso na kame sa loob at halatang private din to dahil puro tiles yung mga andito.

"Heaven?" bungad samen ni Ayns ng makapasok kame.

"Hello po sainyo" nakangiting bati nya kay Mommy at Tito.

"Ikaw pala si Ayns, nice meeting you" nakangiti ding sabi sakanya ni Mommy.

"Tara po, dito po tayo" sumunod na lang kame ni Mommy at Tito kay Ayns. dire- diretso lang kameng naglalakad at maya maya nakarating na kame sa isang kwarto na malapit sa dulo. pagpasok namen dun may isang lalaking medyo may kaedaran na rin, siguro mga nasa 35 plus na yung itsura.

"Pasok kayo," nakangiting sabi nya samen.

"Dad si Heaven nga po pala kaibigan ko, ang Mommy nya at Tito nya po pala, eto po yung Baby" sabi naman ni Ayns.

Kaya pala kamuka ni Ayns yung lalake dahil sya pala yung Daddy ni Ayns.

"Hello po sainyo," nakangiti ko namang bati sakanya.

"Good morning sainyo, ako si Doc Andy Devilla, Ayns Father. pwede ko bang macheck yung Baby?" tanong nya. nilapag naman ni Mommy si Baby sa kama.

Nakatingin lang kame habang chinicheck ng Daddy ni Ayns si Baby. muka ding mabait yung Daddy ni Ayns, muka kasing masungit eh. pero nakuha siguro ni Ayns yung ugali nya sa Daddy nya.

---//

Andito kame ngayon sa labas ng room ni Baby nakaupo sa bench dahil daw kailangan munang iadmit si Baby bago operahan, hindi ko alam yung nararamdaman ko pero natatakot ako na baka hindi maging successful yung operasyon, pero nagtitiwala ako na makakaya ng Daddy ni Ayns yun, nagtitiwala ako sakanila.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon