Hindi parin talaga ko makapaniwala na nasa Hospital si Baby Divine na naghihirap at ako eto maayos yung kalagayan na nakakapasok.Sobrang bigat talaga sa pakiramdam na alam mong nasa Hospital si Baby.
Hayss bakit ba nangyayari saken toh? ang dami kong problema ngayon.
Nakatingin lang ako sa librong kanina ko pa hawak, nakatingin lang ako don at hindi naman talaga binabasa dahil sobrang pag alala ko kay Baby.
Andito ko ngayon sa library dahil wala si Sir Liam sa room, kaya nagpunta na lang ako dito.
Ayoko sa room dahil sigurado akong pag iinitan na naman ako ng mga classmate ko, wala ko sa mood kaya gusto ko munang mapag isa.
Nagulat naman ako ng biglang may humarang na tissue sa libro na tinitignan ko, pagangat ko ng ulo,
Nakita ko naman si Ayns, "Tissue ulet" sabi nya habang inaabot parin yung tissue saken.
Lagi ba syang may dalang tissue? ang weird talaga neto ni Ayns.
"Kunin mo na,," tsaka nya nilapag yung tissue sa table ko at umupo sa upuan na kaharap ko.
"Sa tingin ko hindi kapa okay.." sabi nya. kinuha ko naman yung tissue na nilapag nya at pinunas sa luha ko.
Nakakahiya kay Ayns pangalawang beses nya nakong nakitang umiyak.
Tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya. "Sorry nakakaistorbo ata ako sayo, i think i need to go.." patayo na sana sya at tumalikod ng magsalita ako,
"Sa tingin mo bakit kaya may nangyayaring masamang problema sa isang tao? i mean sobrang sobrang sama?" tanong ko sakanya habang nakatitig sa tissue na binigay nya.
Naramdaman ko namang umupo ulit sya, "Sa tingin mo kaya baket?" tanong nya ulit saken.
natawa naman ako sa tanong nya, tanong ko sakanya tapos ibabalik nya saken? hahaha psh akala ko pa naman matutulungan nyako.
"Kahit sino naman binibigyan ni Lord ng problema, kaya hindi ka nag iisa.." dagdag pa nya saken.
"Kahit pa na sobrang laking problema?" tanong ko pa sakanya, hindi parin ako nakatingin sakanya at nakatitig parin ako sa tissue na binigay nya.
"Siguro kung sino man yung taong binibigyan nya ng malaking problema ay dahil alam nya na kayang kaya nyang lagpasan yung problemang yun at kaya nyang solusyunan yon.." paliwanag nya pa.
may point din naman sya, pero kaya ko bang solusyunan yung problema ko?
"Kung ano man yang problema mo alam ko malalagpasan mo yan, always believe in your self, tsaka everything's happen for a reason.."
"Sana nga Ayns, sana nga talaga" natauhan naman ako sa sinabi nya,
Tama si Ayns dapat magtiwala ko sa sarili ko, pano magtitiwala saken si Baby kung ako mismo wala.
Tsaka ko inayos yung sarili ko at tumingin sakanya. "Salamat ahh, sorry kung naistorbo ulet kita" nahihiya hiya kong sabi sakanya.
"Okay lang, oh mas maganda ka pala pag nakangiti eh, iwas iwasan mo yung laging malungkot sige ka magkaka wrinkles ka nyan.." pang aasar nya pang sabi kaya natawa naman ako sa sinabi nya.
"Muka ngang mabigat talaga yung pinagdadaanan mo, okay lang kung hindi ka magkekwento. Maiintindihan ko.."
Dapat ko bang ikwento sakanya yung problema ko?
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...