(13) Bad day.

4 0 0
                                    


"Babe listen to me, si Heaven kasi--" hindi na natuloy ni Ysabell yung sasabihin nya dahil sumingit si Ayns sa gitna.

"Pati ba naman si Heaven Ysabell inaano mo?" galit na sabi ni Ayns kay Ysabell. lumapit naman si Yao kay Ash. sila Gabb naman pati yung dalawa pa nilang kaibigan, nasa gitna umaawat.

"Sige kampihan mo pa sila Ayn at pagtulungan nyo pako,!" sigaw ni Ysabell agad naman nyang hinawakan yung kamay ni Zayntanas.

"Babe believe me, pinagtanggol ko lang naman yung sarili ko sa babaeng yan, nakita ko kasi yung picture nyo na magkayakap kahapon, Babe nagselos lang--"

"Stop it Ysa, puro ka selos selos selos!! Wala lang yon okay, nagkataon lang, please naman walang kwenta yang selos mo!! lahat na lang ba?" galit na sabi ni Zayntanas kay Ysabell

"Tsaka wag mong sasabihan ng nilalandi ni Heaven si Zayn, dahil kahit kelan hindi malandi yung kaibigan ko!!" sigaw ni Ash kay Ysabell,

"Alam mo Ysabell, kung wala lang akong pinag aralan baka sinabayan pa kita sa sabunutan!!" sigaw ko din sakanya.

"Bakit totoo naman diba? pare parehas kayong malalandi!!" sigaw naman ni Ysabell. Lalapit na sana si Ash kay Ysabell  kaya lang inawat sya ni Yao.

"Tama na!! tumigil na kayo!!" sigaw ni Yao. agad naman nagpaawat si Ash.

Hinawakan ni Zayntanas yung kamay ni Ysabell,

tumingin muna saken si Zayntanas tsaka nya hinila si Ysabell paalis ng Cafeteria.

Nakatingin lang kame kila Zayntanas na naglalakad paalis.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Ayns saken na halata namang nag aalala. tumango tango naman ako bilang sagot.

"Ano wala ng palabas!! alis na!" sigaw nung isang kasama nila na kaibigan din nila.

"Sige na Sam, Gabb, Ky, kame ng bahala dito. mauna na kayo.." sabi ni Yao sa kaibigan nyang tatlo. umalis naman din yung tatlong kaibigan nya.

Pinaupo naman kame ni Ayns sa table namen. "Hayaan nyo na yun si Ysa, ganun lang talaga yon.." sabi ni Yao samen ng makaupo kame.

Kinuha ko naman yung suklay sa bag ko. "Sino ba yung babaeng yun? napakawarfreak!?" taka kong tanong sakanila saka nagsuklay.

"Yun si Demi Ysabell Angeles, Girlfriend ni Zayn. masyadong paranoid yon, kaya ayaw nyang may lumalapit kay Zayn, ewan ko ba sa babaeng yon masyadong warfreak lahat inaaway palibhasa, takot mawala si Zayn sakanya."

Natawa naman ako bigla sa sinabi nya, "Wow ha? yung ganung babae ang nililigawan nung Zayn na yon?"

tss, hahanap na nga lang ng babae yung kasing demonyo nya pa.

Tamang tama humanap sya ng katulad nya ng magkaintindihan sila!!

"kaibigan ng Daddy ni Zayn ang Daddy ni Ysabell kaya pinagkasundo sila.." paliwanag ni Ayns samen.

"Pinagkasundo?" nagtatakang tanong ni Ash kay Ayns.

si Erin naman tumayo at pumunta ng Cafeteria para kumuha ng tubig. bumalik sya at inabot yung tubig samen ni Ash. "Salamat Erin," nakangiti kong sabi sakanya.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon