Ginising nako ni Ayns ng makarating kame sa Laguna. pagbaba ko pa lang ng kotse nakita ko agad yung napakalaking Roller Coaster sa di kalayuan at alam ko na kung saan kame pupunta,"Wag mong sabihing--"
"Oo dito tayo, dito tayo buong araw sa Enchanted Kingdom" nakangiti nyang sabi. At agad naman akong napatawa ng kaunti sa sinabi nya.
Hahaha ang isang Ayns Caster Devilla gagala sa Enchanted Kingdom? nakakatuwa lang akala ko puro lang kalokohan tong lalakeng to hindi pala, may pagkachildish din pala ang isang to.
"Alam ko nakakatawa yon, pero masaya naman dito diba?" nakangiti nya pang tanong saken. kaya napatigil naman ako sa pagtawa at tumingin sakanya. mukang hindi naman sya naasar sa ginawa ko kahit nakakaasar talaga yon.
"Sorry na, oo masaya dito nuh tara?" yaya ko sakanya. tsaka ko naglakad at ganun din sya sumunod saken.
"Hindi ka excited no?" rinig kong sabi ni Ayns habang nakasunod sa likod ko. oo nga no hindi ako excited haha. tumigil naman ako sa paglalakad dahil nauuna ako kay Ayns at inantay sya. Tagal ko na ding kasing hindi nakakapunta ng Ek bata pa lang ako nung magpunta kameng kumpleto dito pero simula nung mawala si Dad hindi na kame nagpupunta nila Mommy dito.
Pumasok na kame sa loob ng EK ni Ayns. nang makapasok na kame tumigil muna kame sa harap.
"Ikaw anong gusto mong unahin naten?" tanong nya. tumingin tingin naman ako sa paligid at naghahanap ng rides kung anong unang sasakyan namen pero bigla namang tumunog yung tiyan ko kaya agad napangiti ng kaunti si Ayns.
Hays nakakahiya.
"Haha mukang alam ko na kung anong uunahin naten" natatawa tawa nyang sabi. "Tara maghanap tayo ng makakainan" dagdag nya pa tsaka kame naglakad.
Habang naglalakad kame ni Ayns para humanap ng pagkain hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa mga taong andito, muka kasing ang sasaya nila. yung iba buong pamilya, namimiss ko tuloy yung kumpleto pa kaming gumagala dito nila Mommy. bigla kong namiss si Daddy.
meron din namang mga magjowa. halata sa mga muka nila na masaya at inlove na inlove sila sa isa't isa. masaya siguro ang mainlo--
"Ouch," napahawak naman ako sa tiyan ko ng maramdaman kong may bumangga saken. napatigil naman si Ayns sa pag lakad at humarap saken. tinignan ko kung sinong bumangga saken pero tuloy tuloy lang sya sa paglalakad.
Tss hindi manlang marunong mag sorry!
"Ayus ka lang?" rinig kong tanong ni Ayns. tumango tango naman ako bilang sagot. shemay ang sakit, talaga. napatingin naman ako sa tiyan ko dahil ang sakit ng pagkabangga ng babaeng yun saken. parang nananadya.
"Ako na humihingi ng sorry sa ginawa ng Girlfriend ko" napatingin naman kame sa boses na yun na galing sa likod ni Ayns at nagulat ako ng makita kung sino yun.
"Zayn Bro?" tanong ni Ayns sakanya.
"Woaah! What a coinsidence haha, andito rin kayo?" sabi ni Zayn na tumatawa tawa, pero halatang plastik yung pagtawa nya. "Mukang may date kayo ah?" dagdag pa ni Zayn pero this time seryoso yung pagkakasabi nya.
"Hindi gumala lang kame ni Heaven, ikaw mukang nag iisa ka ah?" tanong naman sakanya ni Ayns.
"Hindi, kasama ko si--"
"Babe ang tagal mo!!" napatingin naman kame sa babaeng nagsalita at papalapit samen. ng maaninag ko kung sino yung babaeng yun naparolled eyes na lang ako.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Jugendliteratur"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...