Nagising ako sa pagkakatulog ko ng biglang tumunog yung phone ko, minulat ko agad yung mata ko ng mapansin kong wala na naman ako sa kwarto ko. kinuha ko yung phone ko.From Mommy.
Okay lang Anak, wala pa naman sinasabi yung Doctor sa lagay ni Baby. basta umuwi ka mamaya dito, nag aalala kame sayo. iloveyou Cass!Pinasok ko na sa loob yung phone ko at biglang bumukas yung pintuan ng kwarto.
"Tara kain na tayo" bungad agad ni Zayn. mukang kakagising nya lang din dahil naka sando at pajama lang din sya.
Tumayo nako sa kama at dumiretso sa C.r nya para maghilamos.
"Pagkatapos mong kumain, ihahatid na kita" rinig kong sigaw ni Zayn sa labas ng Cr.
Hindi pa ko pwedeng umuwi hanggat hindi ko nakakausap si Ayns. kailangan kong makausap si Ayns, para makausap nya na yung Daddy nya. baka mas lalong lumala pa yung lagay ng Anak ko.
Pagkatapos kong maghilamos lumabas nako ng Cr at nakita ko naman sa sofa si Zayn na halatang nag aantay.
Lumabas na kame ng kwarto nya at paglabas na paglabas ko, nagulat ako dahil sa sobrang laki ng bahay nila. malaki na yung kwarto ni Zayn pero yung labas ng kwarto nya ang laki. napakayaman talaga nila grabe,
Bumaba na kame at pati hagdan nila puro salamin, grabe ang ganda ng bahay nila ganito ba sila kayaman? puro painting yung andito at mga flowers yung mga nakadisplay.
Nang makaratig kame ng ng Dining room sobrang laki grabe. nakita ko agad na nakaupo na sa hapag kainan yung Ate nya na maganda na parang model sa pagkakatanda ko si Ate Jajah at may isa pang babaeng maganda din na nakaupo don.
"Good morning," bati ni Ate Jajah sa amin. nahihiya ako sakanila.
Umupo na si Zayn kaya umupo na lang din ako sa tabi nya. tinignan ko yung mga pagkain, puro masasarap yung mga nakahain. bakit sila lang andito? asan yung Mommy at Daddy nila?
Pero buti na lang wala sila dito mas nakakahiya kung andito sila.
"Girlfriend kaba ni Greayster?" Agad nanlaki naman yung mata ko sa tanong ng isa nyang Ate na katabi ni Ate Jajah. bakit ganun? mukang mataray yung Ate nyang toh?
"Ate hindi, kaibigan ko lang to si Heaven." tanggi ni Zayn sakanya.
"Hindi ikaw yung kausap ko, shut up" pagtataray nya kay Zayn. parang bigla kong kinabahan sa inaasal ng Ate nya ngayon.
Bumaling naman yung tingin nya saken at parang nag aantay ng sagot ko. lumunok muna ko at tumingin sakanya. "Ahh-hi-hindi po," nauutal utal kong sabi.
Bigla naman syang tumawa ng malakas. "Hahahahahaha"
Anong problema ng Ate nya? may nasabi bakong nakakatawa?
"Anu kaba, wag kang mag alala hindi kita kakainin ng buhay. wag kang matakot saken, pwera na lang kung ikaw si Ysabell, pwedeng kainin ko pa ng buhay," natatawa tawa nyang sabi. bigla naman akong nabuhayan sa sinabi nya.
Mukang hindi nga sya mataray, mababait yung Dalawang Ate neto ni Zayn, at sa tono ng boses nung Ate nya parang ayaw nya kay Ysabell. kumain na lang sila kaya kumain na lang din ako.
---//
"Thankyou nga pala Zayn kahapon," nakangiti kong sabi kay Zayn pero hindi nya ko pinansin at dumiretso na nv kotse nya. tss problema nun? bumalik na naman sa pagkademonyo yung ugali.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...