(16) Report Activity.

4 0 0
                                    


Heaven Points of View.

Nakasakay nako ngayon sa kotse ni Ash dahil ihahatid nya nako sa bahay. si Erin naman sa pangatlong Village lang sila nakatita kaya binaba namen sya sa dulo.

Ihahatid nako ni Ash sa bahay dahil sya naman nagprisinta na gamitin tong kotse nya,

Hahahaha magdusa sya.

Tinext din ako ni Mommy na nakauwi na daw sila sa bahay, nung una hindi pako makapaniwala ng nakauwi na sila

Pero dahil sinabi nya na naoperahan na daw si Baby kagabi lang. gumaan yung pakiramdam ko, pero paano nangyari yun?

Hindi ako sinabihan nila Mommy na ooperahan na si Baby, siguro ayaw na lang nila ko mag alala. 

Ang mahalaga ngayon maayos na ang Baby ko, kaya pala kaninang umaga habang kausap ko si Ayns parang gumaan yung pakiramdam ko dahil okay na pala.

Nakarating na rin kame sa bahay at bumaba nako ng kotse ni Ash. "Bye Bff, kwentuhan moko kung anong mangyayari sa Groupings nyo ha?" sabi nya na halatang kinikilig.

"Che, tumigil ka nga!" sigaw ko sakanya.

"Bye, lovelots!" sabi nya tsaka pinaandar yung kotse. ts, yung babaeng talagang yun kahit kelan. palibhasa inlove kay Yao kaya dinadamay ako.

Pumasok nako ng loob ng bahay, at pagdating ko don, shemay naaamoy ko agad yung paboritong ibake ni Mommy na cake. kaya agad akong nagpunta ng dining area.

"Mommy amoy na amoy ko na agad yang binibake nyo." bungad ko kay Mommy habang nagbabake sya ng Cake.

"Oh andiyan kana pala, nagbabake nako mg Cake dahil nagpapractice nako para sa Shop namen ni Kuya.." sabi ni Mommy habang nagbabake parin.

"Kaya naman pala eh, oo nga po pala bakit nga po pala hindi nyo sinabi saken kagabe na ooperahan na pala si Baby?" -Ako.

Hindi tumingin saken si Mommy at nagpatuloy parin sa pagbabake. "Siempre Anak, alam kong hindi ka makakatulog ng maayos, baka hindi kapa nga makapag focus sa pag aaral mo kaya nilihim namen sayo ng Tito mo," tumigil naman si Mommy sa pagbabake at tumingin saken ng seryoso.

"Sorry Anak, ginawa lang namen to para sayo. maayos naman yung naging operasyon ni Baby.." sabi ni Mommy ng seryoso.

"Hindi naman po ako nagagalit eh, thankyou po Mommy" tsaka ko niyakap si Mommy ng mahigpit.

Super thankful ako kase may magulang akong katulad ni Mommy.

"Wow ang sweet naman ng mag ina," agad naman akong napabitaw sa boses ni Tito Dean. "Sige na Cass, umakyat kana sa taas at magpalit, inaantay ka ni Baby Divv.."

"Sa kwarto ng Daddy mo namen nilagay si Baby dahil nakadextros parin sya, kakapunta lang ni Doc Sandillo dito, okay naman si Baby pero kailangan parin daw muna nakakabit sakanya yung dextros" sabi ni Mommy.

Nagpaalam na muna ko sakanila at umakyat sa kwarto ko para magbihis muna. Short na white lang muna sinuot ko at shirt na pink at walang manggas. Ganto lang naman ako pag nasa bahay, mamaya pa namang 4 yung Groupings nameng tatlo nung mga demonyong yon.

Nag alcohol muna ko tsaka ko nagpunta sa kwarto ni Daddy, pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko kaagad si Baby na mahimbing na natutulog na nakahiga sa kama, yung sa kama talaga ng Hospital at nakadextos parin sya.

Lumapit ako sakanya tinignan lang sya, Hi Baby, kamusta kana? alam kong okay kana dahil yun yung nararamdaman ko. nakangiti akong nakatitig sakanya. Ang strong naman ng Baby ko mana saken, thankyou Baby at lumaban ka ha? thankyou Baby kase nakaya mo yang lagpasan. Andito lang ako lagi para sayo, iloveyou baby ko.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon