Nakapila na kame ngayon sa Ferris wheel ni Ayns, sa likod naman si Zayntanas at Ysabell.Gabi na pala kaya sobrang ganda sumakay sa Ferris wheel dahil makikita mo yung mga city lights dito.
Bigla namang may tumunog na cellphone, kinuha ko yung cellphone sa bag ko pero nung nakita kong kinuha ni Ayns yung cellphone nya at yun yung tumutunog tinago ko na yung akin.
"Si Mom tumatawag," sabi nya. "Kausapin ko muna saglit ah?"
"Oh sige sige" sagot ko.
Sana lang bilisan ni Ayns dahil malapit na kame sumakay. ayokong mag isa dun mas lalong natatakot ako. pag may kausap ka kasi hindi mo namamalayan eh.
"Babe wait lang bibili ako ng pagkain naten" rinig kong sabi ni Ysabell sa likod. kahit sa harap ako nakatingin naririnig ko parin sila.
"Tsk hindi tayo mag pipicnic don!" iritang sabi ni Zayntanas. natawa naman ako bigla,
"Kahit na, gusto ko yung may kinakain ako. wait ka lang diyan bibili ako" sabi nya pa at naramdaman ko namang umalis sya sa pila.
Bigla naman ng sumakay yung nasa harap ko, shemay pagkatapos nila kame na. buti na lang at last sila na sasakay, inikot ikot ko yung paningin ko para hanapin si Ayns.
Asan kana ba Ayns? tayo na susunod oh, siguro importante yung usapan nila ng Mommy nya.
Maya maya bigla ng tumigil yung ferris wheel. Ayns please asan kana?
"Miss kayo na po," sabi nung kuya na nagbabantay.
"Ahh sandali po may inaanta--"
"Miss marami pa pong nakapila, kung natatakot po kayo pwede po si Sir muna ang unang sasakay?" sabi nya pa at biglang dumaan si Zayn sa gilid ko tsaka sya sumakay.
"Ano ba naman toh, pipila pila takot naman pala. nakakaistorbo lang" rinig kong sabi ng babae sa likod.
"Miss sasakay po ba kayo o hindi?" tanong ulit ni Kuya. tss Ayns naman asan kana ba?.
"Miss sasakay kaba o hindi nakakaistorbo ka samen!" rinig ko paring sigaw sa likod.
Wala nakong nagawa at sumakay na nga kung nasaan si Zayntanas tsaka sinarado ni Kuya yung pinto.
Ayns naman eh, akala ko pa naman ikaw makakasama ko. ayokong makasama tong demonyo na to siguradong lagot na naman ako kay Ysabell.
Hays sana hindi na lang ako sumakay, umalis na lang sana ko sa pila kesa makasama tong Zayntanas na to. ano na namang iisipin ni Ysabell neto!!
Sumilip ako sa ibaba at bigla kong napahawak sa bintana dahil nakasakay na pala ang lahat at maya maya umandar na.
Shemay pataas na kame, bigla kong nakaramdam ng kaba. habang nakatingin ako sa ibaba nalulula ako. hindi ko mapigilan hindi kabahan.
Kahit magaganda na yung mga ilaw sa buong paligid nakakatakot parin pala.
Hayss kung andito lang sana si Ayns hindi ako kakabahan dahil kanina nawala yung kaba ko ng dahil sakanya, inalis nya yung takot ko. nakakainis naman kasi eh si Zayntanas pa yung kasama ko.
"Wag mo kasing tignan kaya ka natatakot eh," napatingin naman ako bigla sa harap ko dahil sa walang ganang nagsalita na si Zayntanas.
Tss pake nya ba? kaya nga sumakay ng ferris wheel para makita yung magandang view.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...