Nagising na lang ako sa lakas ng tunong ng alarm clock ko, pagtingin ko sa orasan ko sakto lang yung gising ko. Tumayo agad ako at nag unat unat, napatingin ako sa direksyon ng crib ni Baby, wala sya? bigla namang bumukas yung pintuan ng kwarto ko."Anak maligo kana, pinaarawan ko lang kay Kuya si Baby ang ganda kase ng araw kanina.." pagksabi pa lang nun ni Mommy tumayo na agad ako at dumiretso sa cr.
Binilisan ko na lang yung ligo ko dahil sobrang lamig talaga. Nagbihis nako tsaka nagpulbo at konting liptint lang. Nang matapos ko na lahat bumaba nako sa dining area.
"Good morning.." nakita ko si Mommy na naghahain ng pagkain habang si Tito naman karga karga si Baby kaya lumapit agad ako para ikiss sya sa noo. "Hi baby, ang cute cute mo naman.." tsaka ko ulit sya kiniss sa noo. Umupo nako sa upuan ko at nag umpisa ng kumain.
"Kamusta na nga po pala Tito yung shop na inaayos nyo?" tanong ko kay Tito kaya napatingin naman sila saken ni Mommy. "Ayun may kaunting inaayos pa, nag iisip pa nga ko ng Name para sa shop ko eh. Gusto ko kase kakaiba tsaka gusto ko ako lang yung may pangalan na ganun.." Pagpapaliwanag ni Tito.
"Kuya akala ko ba okay na yung pinag usapan naten kagabe?" tanong ni Mommy na napahinto sa pagkain.
"Don't worry hindi ko naman papalitan yun eh,"
"Bakit ano po bang pangalan naisip nyo?" nagtataka kong tanong.
"Naisip kase namen ng Mommy mo Heaven's Cafe," sabi ni Tito at talagang pangalan ko talaga huh?
"Naisip namen na ipangalan sayo para yung mga customer pag nagpunta sa shop ko, mafefeel nila na nasa langit sila" dagdag pa ni Tito Dean.
"Ang ganda po, sigurado akong bebenta yang Cafe nyo." sabi ko pa, maganda talaga kasi pangalan ko yun eh. Haha
Natapos nako sa pagkain ko, nagtoothbrush na muna ko tsaka ko nagpaalam sakanila lalo na kay Baby at dumiretso na sa kotse ni Mommy. Binuksan ko muna yung mp3 at nagdrive nako.
Ilang oras din nakarating nako sa school, pinarada ko muna sa parking lot tsaka ko bumaba.
Pagkasara ko ng pintuan ng kotse nahagip ng mata ko sa di kalayuan yung dalawang lalake na nagyoyosi?
Nang maaninag ko yung isa, nagulat ako ng makilala ko sya. si Ayns yun ahh? Si Ayns nagyoyosi? nagyoyosi pala sya, hindi halata sakanya na nagyoyosi sya.
Bigla naman syang napatingin sa direksyon ko at agad nyang pinatay yung yosi nya ganun din yung kasama nyang lalake, mukang naistorbo ko sila.
Grabe naistorbo ko sila tumalikod na lang ako at naglakad, nakakahiya.
"Heaven sandali?" huminto naman ako sa tawag ni Ayns at nilingon sila.
"Sorry nakita mo pa kame na nagyoyosi.." nahihiya hiyang sabi ni Ayns. bat sya nagsosorry?
"Ako dapat magsorry kase naistorbo ko kayo" nahihiya ko ding sabi.
"Ahh hindi naman, ay oo nga pala Heaven si Yao nga pala kaibigan namen, Yao si Heaven bago kong kaibigan.." pakilala ni Ayns. napatigin naman ako sa kasama nya,.
Pinunasan naman nung Yao yung kamay nya bago nya nilahad saken.
"Yao Davey Lee nga pala nice meeting you Heaven, totoo nga yung kwento netong si Ac muka ka ngang--" hindi na natuloy yung sasabihin nya dahil kinurot sya sa braso ni Ayns.
"Aray ko naman bro!!" reklamo ni Yao kay Ayns. "Ahh Heaven, nakwento ko kasi kahapon yung ginawa nila Zayn sayo, diba Yao?"
"Ahh oo, ganun lang talaga yung kaibigan namen.." sabi pa ni Ayns. ahh namumukaan ko din sya, isa din sya sa Eastern boys na kaibigan din nila Ayns.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
أدب المراهقين"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...