Pagpunta ko sa Cafeteria nag order muna ko ng kanin at chicken tsaka drinks. dumiretso na agad ako kila Ash kung saan kame laging nagtatable."Hi Bff," bungad ni Ash tsaka ko umupo.
"Okay kana ba Heaven?" tanong naman ni Erin.
"Okay nako," Nakangiti kong sabi sakanila at nag umpisa ng kumain. ganund din sila kumain.
"Alam mo Bff nanggigigil talaga ko sa Ysabell na yan eh, napaka warfreak ng ugali, gusto ka atang patayin nun eh." sabi ni Ash na halata namang naiinis.
"Sorry Heaven kung wala manlang akong nagawa kagabe para ipagtanggol ka," sabi naman ni Erin na seryoso.
Tumigil ako sa pagkain ko at hinarap sila, "Okay lang Erin, hindi ko na lang papansinin si Ysabell para wala ng gulo."
"Alam mo kahit na boto ko kay Zayn para sayo, mas mabuting layuan mo na lang kesa kung ano pang mangyaring masama sayo ulit, baka this time mapatay ka na nya." sabi pa ni Ash na seryoso.
Tss ano daw? boto sya kay Zayntanas saken? ano na namang pinag iisip netong babaeng to.
"Kapag inasar kana lang nila ikaw na lang mismo umiwas Heaven" -Erin.
"Oo hindi ko na papansinin yung Zayntanas at Lucifer na yun, sawang sawa nako makipagtalo sa napakakitid na utak nun ni Ysabell" sabi ko na lang sakanila at nagpatuloy nako sa pagkain ko.
"Kainis naman wala sila Yao ngayon, siguro nasa EBR na naman yun" yung kaninang seryosong muka ni Ash napalitan ng lungkot.
Yao na naman, sabi kong tigilan nya na kakaasa sa lalakeng yon eh.
"Umaasa kapa rin dun?" nakakunot kong noo na tanong sakanya.
"Hindi, gusto ko lang sya makita bakit ba?" -Ash.
"Magkapit bahay lang kayo hello?" sagot ko pa sakanya.
"Yun nga eh, hindi ko naman sya nakita kagabe so sad." -Ash.
Natawa na lang kame sakanya ni Erin. eto talagang bruha na to.
Natapos na yung lunch break namen at humiwalay nako sa kanilang dalawa. pumunta muna ko sa locker ko para ilagay dun yung libro namen sa Ap na kinuha ko kanina.
Pagkalagay ko umalis nako at naglakad sa hallway.
Habang naglalakad ako bigla namang may nambato sa ulo ko kaya napahawak agad ako sa ulo ko.
"Shet ang saket, sino ba nambato saken!!" agad naman akong lumingon sa likod ko para tignan kung sinong nambato.
"Oops sorry, hindi ka namen nakita eh." natatawang sabi ni Lucifer habang hawak hawak yung bola na pang basketball.
Pagkasara nung locker sa gilid nya nakita ko agad si Zayntanas. napatingin naman sya saken ng saglit at tumingin kay Lucifer.
"Tara?" yaya nya kay Lucifer atsaka umalis.
Tumaray na lang ako sakanila at dumiretso na ng classroom. umupo nako at kinuha ko ulit yung binasaba ko kanina novel ni Nicholas Spark.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...