Natapos na si Sir Pat at Ma'am Lyn sa klase nila. Yung iba namang studyante dito sa halatang excite na papuntang Gym dahil kanya kanya silang dala ng banner para sa Live Band nila Ayns.Asan naba kasi si Ash at Erin? wala naman sila sa classroom nila kainis. Nagpunta muna ko sa locker ko para ilagay don yung dala kong libro. Pagkasarang pagkasara ko sa locker ko, nakita ko naman sila Ash at Erin papunta saken.
"Ano ba kayo? san ba kayo galing, kanina ko pa kaya kayo hinahanap!!" reklamo ko sakanilang dalawa.
"Relaks ka nga lang Bff, gumawa lang naman kame ni Erin sa library ng banner.." Napatingin naman ako sa hawak nyang cartolina na nakatupi.
"Eto kasing si Ash eh, pinilit akong gumawa ng banner para kay Yao.." natatawang sabi ni Erin.
"Gusto mo bang makita Bff?" pagkasabi ni Ash binuklat nya yung cartolina.
"GO POGING YAO!!.<3 WE LOVE YOU!!"
pagkabasang pagkasaba ko pa lang nun natawa nako, grabe nag effort talaga syang gumawa ng banner para kay Yao? Akala ko ba magpapakadalagang pilipina na sya? eto talagang bruha na to.As if naman kung mapapansin yan ni Yao sa sobrang daming babae na may dalawang banner sa Gym.
"Stop laughing!! pinaghirapan namen toh ni Erin tapos tatawanan mo lang? i hate you!!"
"Maganda naman sya pero kailangan talaga gumawa ng ganyan?" natatawa tawa ko pang sabi.
"Hmm, Gusto ko lang iparating sakanya yung support ko bakit ba?" magsasalita na sana ko kaso biglang hinawakan ni Ash yung kamay namen ni Erin at hinila.
"Tara na baka wala na tayong pwesto don, hindi pa makita ni Yao tong effort ko sakanya.." wala na kameng nagawa at sumunod na lang sa ginawa ni Ash.
Nang makarating na kame sa Gymnasium grabe sobrang lawak pala neto at sobrang daming tao dito.
Ano to concert? tinalo nila yung concert ng BTS ha? wow lang.
Ang daming babae dito na halos lahat sila may dalang banner at kanya kanya silang suporta sa mga manok nila. Hinila naman ulit kame ni Ash para makasingit at makapunta sa harap kung saan malapit sa stage.
Kahit maraming tao mabilis kameng nakasingit at nakapunta ng harap dahil magaling sa singitan tong si Ash. si Erin naman sumusunod na lang din, parang parehas kame mukang ayaw din nyang manuod pero dahil kay Ash manonood sya.
"I'm sure makikita ni Yao tong banner ko para sakanya.." naeexcite na sabi ni Ash. halata naman sa ibang babae dito na excited na sila mag umpisa. "Buti na talaga nakasingit tayo kung hindi bokya tayo sa likod.." dagdag pa ni Ash.
"Anong tayo? ikaw lang nuh. kame ni Erin okay lang kahit hindi makapanuod eh ikaw?" sagot ko naman sakanya.
"Edi ako na lang okay? hayaan nyo na suportahan nyo na lang ako.." sabi ni Ash. kaya nga andito kame kase sinusuportahan namen sya sa gusto nya. nagtinginan naman kame ni Erin at sumenyas sya saken ng 'suportahan na lang naten look' naintindihan ko naman yun kaya umoo sign din ako sakanya.
Hays thankyou Ash, hindi ko nga nakita yung dalawang demonyo sa room kanina pero makikita ko naman sila ngayon dito.
Thankyou talaga thankyou.
Maya maya may lumabas na sa stage na lalake, "Hello Eastern High Universityyyy!!!!" malakas na sigaw nya sa mic. halata naman sa boses nya na bakla sya. kasabay ng pagbati nya nagsigawaan na lahat ng andito at ewan ko lang kung pwera samen ni Erin. si Ash naman halatang naeexcite na.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...