Nagpaalam muna ko kay Mommy na nasiraan yung kaibigan ko kaya kailangan nya ng tulong. Pinayagan nya naman ako, nagsuot lang ako ng jacket at nagdala ng payong.Sumakay nako sa kotse ni Mommy at at pinaandar yon. grabe sobrang lakas nga ng ulan at talagang maiistranded nga si Ayns dun.
Hindi naman kalayuan yung Reyes St. Isang diretso lang tapos liliko ka sa kanan. Nang makarating nako don, may nakita naman nakong kotse at sa tingin ko si Ayns na nga yun.
Tumigil ako sa harap ng kotse nya at kinuha yung payong tsaka ko bumaba ng kotse.
Shet na malagket naka pajama nga pala kayo kaya mababasa agad to ng ulan. Bahala na magpapalit na lang ako ulet.
Dumiretso agad ako sa kotse ni Ayns at kinatok ko yung window shield nya, shet basa na yung pajama ko shemay.
Binuksan nya naman toh. "Oh my ghad thankyou Heaven,"
"Isa lang yung dala kong payong Ayns." sabi ko sakanya.
"Sumakay ka muna," binuksan nya yung pinto sa katabi nya kaya agad naman nagpunta don at sumakay.
"Sorry kung naistorbo kita, hindi ko talaga matawagan yung driver namen sa bahay, pati si Mommy at yung kapatid ko, pati sila Manang hindi din, ikaw na lang naisipan kang hingan ng tulong.." sabi ni Ayns na halata naman sakanya na totoo sya sa sinasabi nya.
"Okay lang yun, anu kaba!" sabi ko naman sakanya.
"Sige dito ka lang muna pwede bang mahiram yung payong at kotse mo para magtawag ng mag aayos sa kotse ko.." -Ayns.
Tumamgo tango naman ako bilang sagot saka ko inabot sakanya yung susi mg kotse ni Mommy. Bumaba naman na sya at nagpunta sa kotse ni Mommy.
Nang makaalis na sya feel ko natatakot na naman ako, ang dilim ng buong paligid at tanging ilaw lang ng kotse ni Ayns yung nagbibigay liwanag.
Wala ka ding maririnig kundi yung ingay lang ng lakas na ulan.
Ilang oras din nakita ko naman na paparating na si Ayns at may kasama na din syang isang kotse, bumaba si Ayns sa kotse ni Mommy at nagpunta kung nasan ako.
"Tara Heaven dun muna tayo sa kotse mo aayusin lang nila toh." yaya nya saken kaya binuksan ko yung pinto at pumayong din sakanya.
Bakit ganun? Ang bango parin ni Ayns kahit na nabasa na sya ng ulan.
Hays ano bang nasa isip mo Heaven, tigil tigilan mo nga yan.
Sumakay ako sa driver seat sya naman sa kabila. "Sorry ah, ang laking istorbo ko sayo Heaven." sabi ulit ni Ayns. inabot naman nya saken yung panyo, kinuha ko rin naman at pinunas sa ulo ko.
"Okay nga lang, wala naman akong ginagawa nung nagtext ka.." sabi ko pa.
"Hayaan mo babawi ako sayo promise.." -Ayns.
"Hindi wag na, tinulungan mo naman ako kahapon eh kaya okay na yun" nakangiti kong sabi sakanya.
"Basta ako bahala," sabi nya din ng nakangiti.
"Oo nga pala bakit pala nakarating ka dito? taga san kaba?" tanong ko sakanya.
Napangisi sya ng kaunti. "Actually parehas lang tayo ng Village Phase 2. taga diyan lang ako sa Santos St." -Ayns.
"Talaga? kaya pala nakasalubong din kita kahapon, akala ko malayo kayo dito.." -Ako.
Taga dito lang din pala si Ayns. small world nga naman.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Novela Juvenil"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...