Nagising ako ng biglang tumunog yung alarm clock ko, agad ko namang inabot yun para patayin.Hayss ang sakit ng ulo ko, nakataklob lang ako sa unan ko ng naramdaman ko namang bumukas yung pintuan ng kwarto ko.
"Cass, gumising kana.." rinig kong sabi ni Mommy. agad ko namang tinanggal yung unan sa muka ko.
"Okay kana ba? kamusta na yung pakiramdam mo?" tanong ni Mommy ng makalapit sya saken.
"Ano bang nangyari sayo kagabe? hinatid ka dito nila Ash kasi daw nawalan ka ng malay sa party, akala ko nga uminom ka pero sabi nila hindi naman daw.." sabi ni Mommy kasabay nun, naalala ko yung nangyari kagabe.
Papunta na sana kame ni Erin sa loob galing C.r ng hilahin ni Ysabell yung buhok ko, tapos nagsigawan kame hanggang sa nagsabunutan na kame at doon kame bumagsak sa swimming pool.
Hindi ako marunong lumangoy kaya takot na takot ako nung nilunod ako ni Ysabell kasabay nun nawalan nako ng hininga,
At nakita ko si Daddy,
"Anak okay ka lang ba? may masakit paba sayo? " natauhan naman ako ng magsalita ulit si Mommy.
Agad akong umupo sa kama at tinignan si Mommy. "Nakita ko po si Daddy kagabe" sabi ko kay Mommy.
Nagulat naman si Mommy sa sinabi ko at umupo sa tabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nya na halatang nagtataka sya.
"Napanaginipan ko po si Daddy, Mommy.." kasabay nun bigla na namang lumungkot yung pakiramdam ko.
Huminga muna si Mommy at hinawakan yung kamay ko. "Yung Daddy mo talaga, miss na miss kana kaya nagparamdam sa panaginip mo.." nakangiting sabi ni Mommy pero ramdam ko din yung lungkot ng pakiramdam nya.
"Mommy alam nyo po ba sinayaw ako ni Daddy, diba po lagi kameng nagpapractice nun ni Daddy.." nakangiting sabi ko kay Mommy
"Talaga? yung Daddy mo talaga ayaw nyang pinapalagpas yung regalo nya sayo, ibig sabihin lang nun Anak tinupad nya yung pangako nya sayo na kahit wala na sya, matupad manlang nya yung regalo nya sayo kahit sa panaginip lang.." sabi ni Mommy ng nakangiti.
"Pero Mommy alam mo ba, pakiramdam ko totoong totoo yung eh, feel ko kasama ko talaga si Daddy ng oras na yun.."
"Dahil gusto ng Daddy mo maramdaman mong totoo lahat, kahit na malabo ng mangyari yun.." nakangiti paring sabi ni Mommy. "Atleast natupad nya yung pangako nya sayo kahit na sa panaginip lang." dagdag nya pa.
Bigla naman akong yumakap kay Mommy. "Mommy, miss na miss ko na po si Daddy. sana nga lang hindi sya agad nawala saten.." sabi ko kay Mommy.
"Ako din Anak, miss na miss ko na ang Daddy mo" kasabay nun niyakap din ako ni Mommy.
"Oo nga pala, papasok kapa. mag asikaso kana.." sabi ni Mommy kaya agad akong napabitaw sa pagkakayakap sakanya.
--//
Pinark ko muna yung kotse ni Mommy sa parking area tsaka ko bumaba at dumiretso sa loob ng campus.
Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa mga ibang studyante na andito. hayss wala namang pinagbago.
Dapat talaga kong masanay sa mga ganyang tingin nila.
Papunta nakong locker ko para kunin yung libro namen sa Ap. (History Class)
"Heaven??" agad akong napatingin sa kaliwa ko kung saan nanggaling yung boses nya.
Sinarado ko na yung locker ko at humarap sakanya. "Ikaw pala Ayns,"
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...