Andito parin kame sa bar at mag gagabi na, hindi ko namalayan yung oras dahil puro kwentuhan at tawanan lang kame dito.Nagtataka nga kame kung bakit hindi pa din bumabalik ngayon si Zayntanas, pinasilip ni Yao sa cr pero wala naman daw dun.
Medyo may tama na rin sila, si Ky naman tulog na. pero si Ash at Yao, Lucifer at Erin, Monic at Sam nagkekwentuhan pa rin.
Feel ko ako lang ang lonely sa kanila haha.
"Friends matutulog na muna ko ah? gisingin moko pag may kailangan ka" sabi ni Ayns sa tabi ko na halata namang nahihilo na.
Bakit hindi mahihilo eh hard yung iniinom nya, ang lakas pala mag inom neto ni Ayns.
"Sige, matulog kana diyan" Nakangiti kong sabi sakanya tsaka sya tumungo.
"Two down haha!!" pang aasar na sabi ni Yao. kaya naman lahat kame na andito nagtawanan.
Maya maya bumalik ulit sila sa kwentuhan ni Ash.
Kinuha ko na lang yung cellphone ko para itext si Tito Dean. nang makita ko namang walang signal tumayo ako at naisipan kong lumabas para humanap ng signal.
"Bff san ka pupunta?" tanong ni Ash na nagtataka ganun din si Yao.
"Maghahanap lang ako ng signal" sabi ko.
"Oo wala talagang signal dito Heaven, lalabas ka talaga" singit naman ni Yao.
"Itetext ko lang kasi si Tito Dean para hindi ako hanapin" -Ako
"Samahan na kita?" prisinta ni Ash.
"Hindi na sandali lang naman ako eh," tanggi ko.
"Sigurado ka Heaven?" tanong naman ni Yao.
"Oo okay lang ako,"
"Ingat ka Bff bumalik ka kaagad ah," -Ash.
Umalis nako sa upuan at lumabas na ng Bar. Paglabas ko ng bar nakita ko agad yung medyo malayo ng onti sa gilid ng bar na bench kaya agad akong nagpunta don at umupo.
Nakakatakot dila pala sa lugar na toh dahil wala masyadong tao na dumadaan.
*beep*
Pagtingin ko sa cellphone ko.
20 Messages and 12 Missed Calls.
At lahat yun kay Tito Dean. grabe nag aalala na sya saken, nakalimutan ko kasi syang itext kanina eh. nakakainis baka kanina pag yun nag aalala saken.
Hindi ko naman kasi alam na wala palang signal sa loob akala ko wala talagang nagtetext saken tskaa ngayon lang pumasok lahat ng message saken.
To Tito Dean,
Tito uuwi na din po ako mamaya, birthday po kasi ng Daddy ng kaibigan namen kaya nagkayayaan. sorry po kung di ako nakatext agad.Wala pang ilang minuto nag beep ulit yung phone ko.
From Tito Dean,
Buti naman nagreply ka, mag iingat ka. lablab.Napangiti naman ako sa text ni Tito Dean, nakakatuwa lang si Tito Dean dahil sobrang mahal na mahal nya talaga ko dahil sobra yung pag aalala nya saken. kaya mahal na mahal ko tong Tito ko.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...