Heaven POV.Palabas nako ng classroom at kakatapos lang ng dalawang subject kay Sir Pat at Ma'am Lyn. ganun padin walang pinagbago, ang awkward parin ng pakiramdam ko dahil nasa likod ko si Zayntanas.
Hindi naman ako nahihiya sakanya pero iba yung pakiramdam ko eh, feel ko ang awkward talaga ng paligid dahil sa nangyari kagabe. hindi ko lang kasi talaga maintindihan eh.
Ay ewan! bakit ko ba kasi pinagiisip yun eh wala lang naman talaga yun.
"Huy!!"
"Ay bwiset!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Ash sa likod ko. "Gugulatin mo talaga ko eh no?" pagtataray ko sakanya.
"Andito kaya kame sa likod mo kanina pa, ang lalim kasi ng iniisip mo Bff," tumabi naman saken si Ash at Erin.
"Ahh wala yun, bakit ba kasi kayo nanggugulat nakakainis ka!" pagtataray ko pa kay Ash.
"Bff hindi kasi kame makakasabay ngayon eh," -Ash.
"Bat na naman? hindi nyo na nga ko sinabay kanina eh," sabi ko pa ng malungkot para naman maawa sila saken.
"Sorry Heaven ah? hindi pa kasi tapos yung pinapagawang activity samen. kailangan talaga namen matapos yun ngayon eh" sabi naman ni Erin.
Hays wala naman akong magawa activity naman pala yun.
"Pero wag kang mag alala Bff, may kasama ka naman eh" napakunot yung noo ko sa sinabi ni Ash at halata sa mga tingin nya na may kalokohan na naman tong bruhang to.
"Guys!!" sabay sabay kameng napalingon sa boses na dumating.
"Andiyan kana pala Ayns, kanina kapa namen inaantay" nakangiting sabi ni Ash.
"Sige Bff ah? mauna na kame sayo. babawi kame sayo ni Erin pag natapos na yung activity namen." nakangiting sabi ni Ash.
"Sige Heaven, kita na lang tayo bukas" nakangiti namang sabi ni Erin.
"Ayns ikaw munang bahala kay Bff ah" sabi naman ni Ash at tumango tango si Ayns bilang sagot. "Sige na Bff una na kame, tara Erin"
Baliw talaga tong babaeng toh, kung makaano kay Ayns saken akala mo naman hindi ko kaya sarili ko, tsaka akala mo kung saan pupunta eh dito lang di naman sa school.
"Bye Guys," paalam nila Ash at Erin tsaka sila umalis.
"Hi Friends?" napatingin naman ako kay Ayns na nasa tabi ko.
"Kinausap kaba ni Ash?" nagtataka kong tanong sakanya.
"Hm oo kanina nakiusap sya saken, wala ka daw kasing kasama kaya samahan daw muna kita kasi may tatapusin daw sila" paliwanag ni Ayns.
Ahh ganun pala. kaya ko naman sarili ko, yung Ash at Erin talagang yun napakaconcern saken. nakakatouch naman yung mga kaibigan ko haha.
"Gusto mo sabay na tayong umuwi? parehas naman tayo ng Village eh" prisinta ni Ayns.
"Sige okay lang," nakangiti kong sabi sakanya.
"Pero kung okay lang sayo, samahan mo muna ko kahit saglit lang."
"Saan?" tanong ko.
"May practice kasi kame ng Basketball sa Gym, pero saglit lang yun kung okay lang sayo ihahatid na muna kita, ayoko rin namang magalit saken sila Ash dahil iniwan lang kita,"
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...