(5) Whaaaaatttt??

8 0 0
                                    



Nasa kwarto nako nagpapahinga at umuwi na rin si Ash pagkatapos nya kong ihatid dito kanina galing sa Mall. nagtext kasi si Mommy na maaga daw yung pasok ko bukas kaya kailangan ko daw makapagpahinga.

Naiisip ko pa lang na papasok nako bukas nalulungkot nako, ayokong malayo kay Baby kahit saglit lang. Pero kailangan kong mag aral para rin naman sakanya, ayoko namang iasa lahat kay Mommy.

Kinarga ko muna si Baby Divv bago ko magpahinga. Mahimbing sya na natutulog,

"Hi Baby, namiss ka kaagad ni Mommy. alam mo ba Baby Divv nakita ko yung lalakeng muntik ng makasagasa saten, buti na lang nakaganti ako sakanya. Masama naman gumanti pero, hindi ko na napigilan yung sarili ko eh, kaya ikaw Baby wag mong hahayaang ginaganun ganun ka lang ahh?" tsaka ko kiniss sa noo si Divine.

"Bukas Baby papasok na si Mommy sa School, sorry kung maiiwan kita kay Mommy at Tito huh? para rin naman sayo toh ehh.."

Maya maya nakaramdam na din ako ng antok at pagod kaya nilapag ko na si Divine sa crib nya. "Goodnight Baby, Goodnight sleepy head, sweet dreams.." tsaka ko ulit sya kiniss sa noo nya. Naalala ko nung bata ako lagi yang sinasabi ni Mommy saken bago matulog. nagshower muna ko bago ko humiga sa kama.


---//

Krrnggggg.....krrngggg....


Pilit kong inabot yung alarm clock sa tabi ng kama ko para patayin, hayss inaantok pako. Hindi nako sanay magising ng maaga.

Naramdaman ko namang bumukas yung pinto ng kwarto ko. "Cass!! Gising na.." rinig kong sabi ni Mommy. pero nakataklob parin ako ng unan. "Sabi ko naman sayo magpahinga ka ng maaga ehh." dagdag pa nya. agad naman akong bumangon, "Eto na po.." Sabi ko pa na halatang inaantok pa. kailangan ko ng sanayin yung sarili kong maagang gumigising.

"Maligo kana, nasa closet mo na yung uniform mo. Papaarawan ko na muna si Baby kay Kuya.." sabi pa nya, nag unat unat muna ko bago tumayo at pumunta sa crib ni Divine para ikiss sya.

Dumiretso nako sa cr para maligo, hays eto na papasok na ulit ako kaya pahirapan na naman gumising ng maaga. Binilisan ko na lang yung pagligo ko maya maya natapos nadin ako.

Pagbukas ko ng cabinet ko nakita ko agad yung uniform ko, infairness ang ganda ah. Black na plane yung palda tapos yung damit white na longsleeve na hanggang siko na may neck tie at mahabang medyas. yung sa mga pang korean? hahahaha feel ko korean nako. Annyeong!! charr.

Nagsuklay muna ko at nagpulbo tsaka lip tint, hindi naman ako nagmamake up eh. Tsaka mas nasanay ako na pulbo at lip tint lang na onti. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ko ng kwarto.

Pagbaba ko sa dining area andun na si Mommy na karga karga si Baby Divine at si Tito Dean naman naghahain ng pagkain. "Good morning.." Bati ko sakanila kaya agad silang napatingin saken.

"Wow you look so perfect Anak, bagay na bagay sayo yung uniform.." sabi ni Mommy na halata namang manghang mangha. dumiretso ako sa upuan na katapat ni Mommy.

"Bagay na bagay sayo yung uniform Cass manang mana ka talaga saken.." bati rin ni Tito.  umupo na rin si Tito Dean sa tabi ni Mommy.

"Saken lang lang naman magmamana yan Kuya.." sabi naman ni Mommy. kaya natawa ako. kumuha na lang ako ng fried rice at hotdog. binilisan ko yung pagkain ko para matapos na agad.

"Magkwento ka saken mamaya Cass kung kamusta first day mo huh?" excited na sabi ni Mommy. "Hindi pa nga ko nakakaalis Mommy ehh.." natawa na lang kame ni Tito sakanya. grabe si Mommy mas excited pa ata kesa saken ehh.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon