(2) My blessing.

14 0 0
                                    


Titig na titig parin ako sa muka ng Anak ko habang mahimbing na mahimbing syang natutulog. hindi parin ako makapaniwala na dumating sya sa buhay ko. Dati wala pakong kaalam alam kung anong pakiramdam ng may Anak. pero ngayon alam ko na, sobrang saya. yung pakiramdam na gustong gusto mong tumalon at magwala sa sobrang saya na nararamdaman mo. ganito pala ang pakiramdam ng isang ina na kapag nakita mo ang Anak, may halong saya at kaba.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng bumukas ito. "Cass kain na.." sabi ni  Mommy mula sa pintuan. Simula bata pako Cass na ang tawag saken ni Mommy at Daddy ang second name ko, Which is Heaven Cassmere. Kinuha ang Cassmere sa pangalan ng magulang ni Daddy, si Lola ay Cassandra at si Lolo naman ay Mereddy kaya naging Cassmere. medyo weird nga lang yung pangalan kong Cassmere.

"Sunod na po ako.." sabi ko tsaka sya lumabas at inisarado ang pinto.

pagod parin kasi yung pakiramdam ko. anong oras narin kame nakauwi dito sa bahay kanina, ang bigat ng katawan ko. ganun pala kapag bagong panganak pa lang. sobrang sakit sa katawan. pero sobrang worth it naman kase pagkatapos ng paghihirap mo, isang angel naman yung kapalit ng paghihirap mo.

Inilapag ko muna sa crib si Divine habang natutulog pa toh. hindi ako gaanong marunong magbuhat pero nung ipinagbubuntis ko si Divine,lagi akong tinuturuan ni Mommy, kung paano mag alaga ng Baby. kaya medyo may alam na rin ako kahit papaano. Pinagmasdan ko muna si Divine habang natutulog tsaka ko bumaba para kumain.

Pagbaba ko sa dining area nakahain na yung mga pagkaing niluto ni Mommy. dalawa lang kame ni Mommy dito sa bahay kaya sya na rin lahat nag aasikaso. 12 years old ako simula ng mamatay si Daddy ay inalagaan nya nakong mag isa. kaya mahal na mahal ko tong Mommy ko ehh.

"Oh kumain ka muna, i'm sure gutom na gutom kana.." bungad agad sakin ni Mommy. umupo ako sa upuan kung saan yung lagi kong pwesto ganun din sya sa harapan na upuan ko. Dalawang ulam ang niluto nya, yun pa yung mga paborito kong adobo at sinigang.

"I'll cook this for you talaga, i know how much you miss this.." sabay sandok nya saken ng ulam. nakakatuwa talaga si Mommy. kaya sobrang mahal ko sya, sya ang pinaka the best Mom in the whole world.

"Mukang mapaparami kain ko neto ahh.." naglagay ako ng kanin sa plato ko at nag umpisa ng kumain ganun din sya. unang subo ko palang sobrang sarap talaga.

"You will never failed talaga sobrang sarap.." sabay subo pa ulit. sobrang sarap talaga. feel ko ang tagal kong hindi nakakain neto.

"By the way Anak," pagsabi ni Mommy sa kalagitnaan ng pagkain. napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sakanya. "Tinawagan ko si Kuya kanina, para umuwi dito.."

"Talaga? uuwi na si Tito Dean dito?" excited kong sabi. Si Tito Dean ang nag iisang kapatid ni Mommy na may pusong babae, in short bakla sya.  Si Tito Dean ang nag iisang nag alaga sakin nung bata pako. nung mga panahong busy pareho si Mom at Dad sa business nila, itinuring ko na rin syang pangalawang Mommy at Daddy ko. san kapa? may Mommy kana may Daddy kapa. nahinto lang ang pag aalaga nya saken ng lumago yung business nyang Boutique sa America kaya walang nagawa si Mommy kundi sya na lang ang magbantay saken at si Daddy ang nag aasikaso sa business nila.

Namatay si Daddy dahil sa heart attack, kaya umuwi si Tito Dean para may kasama kame dito ni Mommy. pero ilang buwan den umuwi ulit ng America si Tito para sa business nya.

"Dahil malapit na rin maayos yung Business na inaasikaso ko, gusto ko may magbabantay kay Baby Divine," huh? pero,

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon