(24) A dance to remember.

6 0 0
                                    



Palabas na kame ng Cr ni Erin at pabalik na ng loob ng may biglang humila sa buhok ko.

"Come here, pretty little flirt!" rinig kong sabi nya sa likod ko at hinila hila nyako palayo sa loob kung saan naglalaro mg spotlight game.

"Ysabell, bitawan mo si Heaven.." sabi ni Erin habang nakasunod lang samen.

Sabi na susugurin na naman ako netong bitch na Ysabell na toh.

Hila hila nya parin yung buhok ko at ng medyo malayo na kame dun sa loob binitawan nya na yung pagkakahawak sa buhok ko.

Sigurado akong hindi maririnig nila Ash sa loob dahil sobrang lakas ng sound dun.

"Malandi!!"

*pak!*

agad naman akong napahawak sa kaliwang pisngi ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni Ysabell saken.

Ano na naman bang problema neto.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal ng ganito.

"Tama na Ysabell," awat ni Erin at lumapit sya saken.

"Girls," nakita ko namang paparating yung dalawa nyang alalay na papunta sa direksyon namen. nakita ko namang sinenyasan nya yung dalawa na 'kayo ng bahala sa isang to look' senyas nya sa dalawa at sigurado akong si Erin yung tinutukoy nya.

Hinawakan naman nung dalawang babae si Erin sa magkabilang braso kaya hindi na makaawat si Erin. nagpupumiglas sya pero hindi sya makaalis dahil sa higpit ng hawak nung dalawa.

"Napakalandi mo talaga!!"

*pak*

Napahawak na naman ulit ako sa kanang pisngi ko ng sampalin nya ulit ako.

"Alam mong babae ka, napakalandi mo kahit kelan! kelan mo ba talaga tatantanan yung boyfriend ko ha?" malakas nyang sigaw.

Hindi ko na kaya yung ginagawa nya kaya humarap ako sakanya at tinignan sya ng masama.

"Alam mo Ysabell, wala kong kasalanan kung ako ang napili kanina at hindi ikaw!" sigaw ko din sakanya.

"Pwede kang humindi pero anong ginawa mo? tinuloy mo pren kase ginusto mo din!!" malakas nya pang sigaw.

"Alam mo napakakitid ng isip mo!! lahat na lang ng nakikita mo mali para sayo!" sigaw ko pa sakanya.

Ganito nya ba pag isipan lahat ng babae? Grabe kung makapag isip akala mo nilalandi talaga yung demonyo nyang boyfriend.

Napakakitid ng utak netong Ysabell na to.

Sumosobra na sya!

"Napakadisperada mo talagang babae ka! kaya lahat ng bagay gagawin mo para lang makalandi sa Boyfriend ko!!" malakas nya paring sigaw.

Hindi ko na mapigilan yung sarili ko sa babaeng toh, kaya pumikit ako saglit at tinignan sya ng masama.

"Sa tingin mo sino kayang nagmumukang desperada sating dalawa ha? ako na walang ginagawa o ikaw na pilit ginagawa ang lahat para lang may masabing nagawa?" pagtataray kong sabi sakanya.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon