Nang makarating nako sa Hospital nagmadali nakong pumasok at umakyat ng taas para makapunta sa kwarto ni Baby.Nang makarating ako sa room nya, binuksan ko agad at nakita ko si Mommy na nakaupo sa sofa ganun din si Tito.
"Mommy, ano pong nangyari?" bungad ko sakanila at agad akong lumapit sa kama ni Baby kung saan mahimbing syang natutulog. pero kita ko sa muka nya na nahihirapan na sya.
Bigla namang may pumatak na luha sa mga mata ko.
Agad lumapit saken si Mommy at hinawakan ako sa balikat ko. "Anak sabi ng Doctor, hindi kinaya ni Baby yung gamot na nilalagay sa dextros nya, mas lumala daw yung kalagayan ni Baby ngayon, pero Anak wag tayong mawalan ng Pag asa gagaling si Baby ha?" sabi ni Mommy na halata sa boses nyang umiiyak sya.
Wala nakong nagawa at tuluyan na ngang bumagsak yung mga luha ko.
Bakit ba nangyayari sayo to Anak? Bakit!!
"Mommy, ano po bang kailangan nateng gawin? Akala ko po ba magaling na sya, diba sabi nyo okay na sya?" sabi ko kay Mommy habang nakatingin parin kay Baby.
"Anak hindi ko alam pero mas mabuting dalhin na naten sya sa States dahil sigurado akong gagaling sya don," pagkasabi nun ni Mommy agad akong napatingin sakanya.
"Pero po delikado po sa lagay nya, mas makakasama po sakanya yun,"
Hinawakan ako ni Mommy sa muka, "Anak please mas lalala yung lagay ni Baby kapag hindi naten naagapan, Anak please makinig ka saken.." pagpupumilit ni Mommy.
Pero hindi, hindi ako papayag, hindi ko itataya yung buhay ng Anak ko para lang makapunta kame ng States,
"Cass please," sabi ni Tito Dean at tumayo sya sa upuan nya. "Tama ang Mommy mo, mas gagaling si Baby don sa States" dagdag pa nya.
"Tito naman eh, delikado po sa lagay ni Baby, sinabi na ng Doctor saten yun eh. Mommy Please, ayoko! ayokong lumala pa yung lagay nya." at sunod sunod na luhang lumalabas sa mata ko.
"Anak maniwala ka please, kailangan naten gawin to kung hindi--"
"Kung hindi ano po? Mommy, baka nga sa pagpupumilit nyong ipunta si Baby sa States baka yun pa yung--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hindi ko kaya, hindi ko kayang sabihin dahil ayoko.
"Anak please, para sakanya naman to eh!! magtiwala lang tayo!!" pagpupumilit pa ni Mommy.
"Ayoko po, maraming magagaling na Doctor dito hindi na naten kailangan--"
"Kailangan nateng magpunta ng States kung gusto mo pang mabuhay yung Anak mo Cass!!" sigaw ni Tito Dean sa likod.
Bakit? bakit ba gusto nilang magpunta don, alam nilang mapapahamak pa lalo yung Anak ko pero gagawin parin nila.
"Ang Daddy ko, Surgeon and Daddy ko Heaven, pwede ko syang pakiusapan para sa kapatid mo.."
Oo tama, si Ayns, kailangan ko ng tulong nya.
Agad kong kinuha yung bag ko,
"San ka pupunta Cass?" tanong ni Mommy.
"Kailangan ko lang po syang makausap," tsaka nako naglakad papuntang pintuan.
"Pero--"
Hindi ko na pinatapos si Mommy at lumabas nako ng kwarto ni Baby.
Kailangan ko si Ayns, dahil hindi ako papayag na dalhin nila sa States si Baby, ayokong mawala si Baby.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Подростковая литература"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...