Ginawa ko na lang din yung sinabi ni Ayns, alam ko nakakahiya para sakanya na hawakan ko yung kamay nya pero siguro tama sya para mawala yung kaba at takot ko isipin ko na sya si Daddy at Mommy.Nang naramdaman ko ng aandar na. pinikit ko na lang yung mata ko at iniimagine na si Daddy ang hawak hawak ko.
"Woooohhh kaya naten to!!" sigaw ni Ayns. tss ang ingay nya pano ko maiimagine na sya si Daddy. Maya maya tumahimik naman sya, buti naman tumahimik na sya.
Habang unti unti ng umaakyat pakiramdam ko nawawala na yung kaba ko, parang normal na lang yung pakiramdam ko katulad ng tuwing sasakay kame nila Mommy at Daddy.
Kahit maingay ang buong paligid ko dahil sa tili at sigawan ng mga nakasakay dito hindi ko maintindihan yung mga sigawan nila dahil pakiramdam ko sila Daddy at Mommy lang ang kasama ko.
Nang tumigil na kame sa pinakatuktok mas lalong lumakas pa yung mga tilian nila.
Nakapikit parin ako ng naramdaman kong bigla ng bumagsak at biglang tumaas yung balahibo ko ng naramdaman kong may malamig na kamay na humawak sa kamay ko.
Kahit nakapikit ako ramdam na ramdam ko yung malamig na kamay nya.
Daddy ikaw ba yan?
Kung ikaw yan sobrang saya ko nagparamdam kana naman ulit. Alam mo talagang takot na takot ako kaya andito ka parin sa tabi ko.
"Grabe ang saya nun!!" Sigaw ni Ayns. napadilat naman ako ng maramdaman kong tumigil na yung Extreme. tapos na yun? pwedeng isa pa.
Para maramdaman ko ulit si Daddy.
"Ano Heaven effective ba?" nakangiting tanong ni Ayns.
Nginitian ko naman sya, "Sobra Ayns, ang saya!!"
Pakiramdam ko kasama ko si Daddy kanina. nakakatuwa talaga si Daddy lagi syang nasa tabi ko.
"Diba sabi ko naman sayo eh. tara" yaya nya tsaka nya ko inalalayan tumayo.
Naglakad naman kame palabas ng Extreme at naghanap ulit ng rides.
"Nag enjoy kaba dun friends?" tanong ulit ni Ayns na halata namang sya yung nag enjoy.
"Oo super, pakiramdam ko nawala yung kaba ko" sabi ko ng may gana.
"Tara dun naman tayo sa space shuttle?" suggest naman ni Ayns.
"Hoy Ac! pwedeng magpahinga muna tayo? hindi pako nakakarecover dun sa Extreme" galit na sabi ni Ysabell.
"Ganito na lang, alternate na lang pagkatapos ng nakakatakot yung hindi naman. para pair!" sabi din ni Ayns.
"Tsk sige!" Pagtataray na sabi ni Ysabell. "Hmm, gusto ko sa Vamp Car" suggest ni Ysabell.
"Napakaboring," walang ganang sagot ni Zayntanas.
"Ayus dun Bro, okay lang ba sayo Heaven?" tanong naman saken ni Ayns.
"Ahh oo okay lang" nakangiti kong sagot.
"Tara na Babe masaya dun" excited na sabi ni Ysabell.
"Tara na bro?" yaya pa sakanya ni Ayns.
Tss wag pilitin kung ayaw!!
"Tara na Ayns maiwan sya diyan kung gusto nya" sabi ko tsaka ko hinila si Ayns.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...