(35) Ayvy's Bar

4 0 0
                                    


Palabas nako ng classroon ng matapos na yung klase namen kay Ma'am Lyn, hindi ko namalayan yung oras na uwian na pala dahil lahat kame tutok na tutok na nakikinig sakanya.

"Bff," agad akong napatigil sa paglalakad at tumingin sa likod ko ng marinig ko yung boses ni Ash.

Medyo malayo na ako ng onti sa classroom kaya wala na masyadong studyante dahil uwian na.

"May sasabihin ako sayo Bff," bungad nya ng makarating sila ni Erin sa harap ko.

"Ano na naman yun?" nagtataka kong tanong.

"Inimvite kasi kame ni Yao sa bar nila kasi birthday daw ng Daddy nya, tara sama ka?" sabi ni Ash. tsaka kame naglakad sa hallway.

"Tss ano namang gagawin ko dun? eh hindi naman ako umiinom?" sabi ko pa sakanya.

"Samahan mo lang kame ni Erin please Bff?" Pagmamakaawa nya at halata naman sa muka nyang gustong gusto nyang pumunta.

"Ayoko nga din sumama Heaven kaya lang etong si Ash mapilit," natatawang sabi ni Erin.

Tss wala naman kasi akong gagawin dun eh, ano manonood lang ako sakanila habang nag iinom sila?

"Please Bff? promise babawi ako sayo pleaseeeeee?" pinahaba nya pa yung please.

Hayss, "Oo na, kung di lang kita--"

"Yeyyy!! thankyou Bff tara na" sabi ni Ash na tuwang tuwa. tss kung diko lang toh mahal eh, matitiis ko ba tong babaeng to?

"Ngayon na agad?" nagtataka kong tanong. excited lang?

"Oo nga ngayon na, wala ng palit palit tara na? diretso na nga sila dun eh" sabi pa ni Ash. tsaka kame lumabas ng campus at dumiretso ng parking area.

"Kay Heaven na lang ako sasakay Ash," sabi ni Erin tsaka kame dumiretso sa loob ng kotse. sumakay na rin si Ash sa kotse nya tsaka kame umalis.

"Yun talagang bruhang yan basta si Yao yung nagyaya go na go sya," natatawa kong sabi kay Erin na nasa katabi ko.

Natawa din naman sya. "Oo nuh, alam mo ba kanina nung niyaya sya ni Yao kilig kilig ang bruha" sabi ni Erin.

"Todo kilig naman sya mamaya pinapakilig lang pala sya," may halong seryoso kong sabi.

Totoo naman eh, baka mamaya pinapakilig lang sya ni Yao tapos sa huli sya lang din masasaktan.

"Sinabihan ko na yan eh, ayaw makinig saken. crush pa lang naman daw eh" sabi pa ni Erin.

Sinusundan ko lang yung kotse ni Ash sa medyo mabilis nyang pagdadrive. eto talagang babaeng toh hindi halatang excited eh no.

Ilang oras din ng tumigil si Ash sa pagmamaneho, dito na siguro yun. pinark muna namen yung kotse tsaka kame bumaba ni Erin.

Pagbaba namen kita mo agad sa harap yung laki ng Bar nila Yao.

"Ayvy's Bar" pagkabasang pagkabasa ko pa lang napakunot agad yung noo ko. Ayvy's? anong ibig sabihin nun.

"Mga Bff's wait lang tayo dito palabas na daw si Yao para sunduin tayo" sabi ni Ash ng makalapit sya samen ni Erin.

"Oh ayan na pala sya eh" Pagkasabi ni Erin napatingin kame sa kakalabas lang sa pintuan at si Yao na nga yun.

"Sorry pinag antay ko kayo, kanina paba kayo dito?" nakangiting sabi ni Yao.

"Love is.." (On Processing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon