Ayns Points of View."Bakit kase ayaw mo sa Cafeteria Sam?" reklamong tanong ni Yao habang kumakain ng sandwich sa may table.
Andito kame ngayon sa E.B.R (Eastern Boys Room) kung saan lagi kameng nagpapractice para sa banda.
Etong Room na to ay pinasadya talagang gawin ni Tito Kris ang Daddy ni Zayn para samen, naging tambayan na rin namen to dahil parang bahay na rin to.
Sobrang laki neto at malawak kaya kumpleto lahat ng instrumento pa sa banda namen saka may sofa, may T.v aircon and etc, parang bahay na nga rin. kung ako nga tatanungin mas gusto ko pa ditong tumambay kesa sa Cafeteria, mas nakakakain kame ng maayos hindi katulad dun puro babae.
Gusto ko dati sa mga babae, Actually now i'm retired playboy. tumigil nako dahil wala lang. Gusto ko lang,
Nakakasawa rin pala maging play boy, nakakasawa din yung laging may dumudikit sayong babae.
"Bakit ba kase ayaw mo dun ha?" reklamo ulit ni Yao.
Bigla namang pumunit si Sam ng isang page ng papel sa notebook na hawak nya, dahil sigurado akong nagcocompose na naman sya ng kanta para sa babae nya haha.
Ang corny talaga netong Leader namen.
"Isa pang tanong taena ka babatuhin na talaga kita.." sabi ni Sam habang nakaamba na kay Yao yung papel na pinunit nya.
Bakit ba taeng tae tong si Yao doon tumambay sa Cafeteria, siguro may gusto tong makita.
"Hoy kumag! Gusto mo lang silayan yung kaibigan ni Heaven eh!" pang aasar kong sabi kay Yao. halata naman tsk.
"Hindi nuh, baka ikaw" -Yao.
"Ang ingay nyo mga animals!!" agad kameng napatingin sa sigaw galing sa sofa, walang pinagbago kay Kyle, tulog mantik parin ang gago.
Ganyan lagi gawain sa tuwing tatambay kame dito.
T*ng*n* din kasi ni Yao, halata naman sakanya nagdedeny pa. Mukang type rin naman sya nung Ashley na yun.
Kung nagkataon magkakaGirlfriend na tong kumag na toh, HAHAHAHA.
Maganda naman si Ashley, bagay na bagay sila ni Yao. Pero aaminin ko mas maganda sakanila si Heaven.
NAPAKASIMPLE NG GANDA PERO ANG LAKAS NG DATING.
Napatingin kameng tatlo sa bumukas na pinto ng dumating si Zayn at Gabb.
"That face bro hahaha grabe talaga!" sabi ni Zayn ng tumatawa habang papunta sa table.
"Super talaga, ang sarap asarin" natatawa ding sabi ni Gabb.
Ano na namang ginawang kalokohan ng dalawang to.
"Bakit parang ang saya nyo ata?" tanong sakanila ni Yao.
Kumuha naman ng footlong sa table si Zayn ganun din si Gabb. "Si Heaven kasi asar na asar kaya nakakatawa talaga.." natatawa paring sabi ni Gabb
Sabi na eh, pinagtripan na naman si Heaven, lagi nilang inaasar. Katulad kahapon ganyan din yung ginagawa nila kahapon sa kanya. mga kupal talaga!
Problemado na nga yung tao eh.
"Hoy manahimik nga kayo mga gago!! napatingin naman sila saken. "problemado yung tao hindi nyo dapat inaano" sigaw ko sa dalawang to.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Teen Fiction"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...