Hindi ako pwedeng magkamali sya nga yun, yung lalaking mayabang na muntik ng makabangga samen ni Divine sa Cementery at sya din yung nakaaway ko sa National bookstore kahapon, tapos ngayon magiging classmate ko sya? What a day. badtrip naman, bakit classmate ko pa sya?so ibig sabihin araw araw ko na syang makikita at makakasama dito sa room. Haysss what a small word!!
"Walang pinagbago Mr. David and Mr. Divera, take your sit.." walang ganang sabi ni Sir Liam.
habang naglalakad sila yung mga babae dito parang bulate na nilagyan ng asin at matutunaw na yung dalawa lalakeng toh kakatitig ng mga babae except saken. papunta sa direksyon ko yung dalawa.
nagtama naman yung mata nameng dalawa ng mayabang na lalakeng to, blanko lang yung expression nya at wala kang mababasa na kahit ano. maya maya inalis nya na yung tingin nya.
Dumiretso yung dalawa sa likod ko. hayss bakit diyan pa kayo pupwesto?
malamang dahil nasa lugar na tong lalaking mayabang na toh, hindi nako magtataka kung pag iinitan nya ko.
"Remember the girl i was talking about yesterday Gabb?" rinig kong sabi mula sa likod, kahit mahina lang yun alam ko yung mayabang na lalake ang nagsabi nun.
"Oo bro, bakit mo natanong?" sagot naman ng kasama nya. kahit na may sinasabi na si Sir Liam hindi ko parin maalis yung pakikinig ko sa dalawang nasa likod ko. Lalo na netong mayabang na lalaking to dahil alam ko ako ang pinag uusapan ng dalawang toh.
"She's here.." pagkakasabi nya pa lang non ramdam kong nakatingin sya saken kahit nakatalikod ako sakanila.
"What a jackpot.." saka sila tumawang dalawa. Sabi na eh porket matapang sya dito pag iinitan nya ko. pwes akala nya ba uurungan ko sya. hahaha no way!
Halata namang gusto nyang marinig ko yung pinag uusapan nila, tss gusto nya sigurong matakot ako sakanya.
"Mr. David and Mr. Divera? are you going to listen or leave the class!!" Galit na sabi ni Sir Liam kaya lahat naman ng classmate namen na andito napatingin sa dalawang nasa likod ko. Tumahimik naman yung dalawa na kanina tawa ng tawa.
Tumuloy naman si Sir Liam sa pagsasalita. "Okay class, like what i said you don't need to introduce your self in front. Siempre you know me and i know you all already except for the transferee.." agad naman napatingin saken si Sir Liam kaya napatingin na den yung mga classmate ko saken.
"Please come here Ms. Alanddy" pagkasabi ni Sir Liam nun, nakatingin parin saken yung mga classmate ko at halatang nag aantay na tumayo ako.
Nakakahiya pala ang tagal ko ding hindi naranasan na mag pakilala sa harap ng klase.
Tumayo ako at dumiretso sa harap. Halos lahat sila nakatingin saken pati yung lalakeng mayabang na yun sa likod at yung kasama nya.
"Tell us about your self Ms. Alanddy.." nakangiti na sabi saken ni Sir Liam.
Huminga muna ko ng malalim bago magsalita. "Ah-I'm Heaven Cassmere Alanddy, 17 year of age and i'm from school of Montessori High University.."
"Sir ang ganda naman ng bago naten.."
"Sir Chix yan ahh!!" sabi ng dalawang lalake dito sa harap. Yung ibang babae naman dito ang sama ng tingin saken."Shut up!!" sigaw ni Sir Liam sakanila kaya tumahimik naman yung dalawa. Bumalik naman saken yung tingin ni Sir Liam, "Thankyou, you may now take your sit and welcome to Eastern High Ms. Alanddy.." nakangiting sabi ni Sir Liam.
BINABASA MO ANG
"Love is.." (On Processing)
Novela Juvenil"Kaya ko ba syang tanggapin?" yan lang ang buong araw na tumatakbo sa isip ko. sambit ni Heaven sa kanyang isip. Kaya mo bang tanggapin ang isang batang galing sayo pero hindi mo naman talaga gusto? Kaya mo bang tanggapin ang isang batang bunga ng...